Saturday afternoon, i went to the mall to buy some Christmas decor. Sa lakas man-guiltrip ni Jho dahil wala pa raw kabuhay-buhay ang condo ko.
Condo mo?!
Nilibot ko na ang buong department store para lang sa mga decors. And as i was picking up some Christmas tree toppers, i saw this red-haired woman sa kabilang aisle. Mukhang busy siyang pumili ng mga snowman figurines.
I decided to approach her. "Mikha?"
She turned around, “Uy! Ikaw pala ‘yan.”
“Nagde-decorate ka rin ng condo?” tanong ko, pointing sa mga hawak niya.
“Yeah, na-judge na kasi ni ate Maloi yung place ko.”
Napatawa ako. “Same here, Literal na pinilit lang din ako ni Jhoanna. Ano na ‘yang napili mo?”
She held up a tiny snowman figurine. “I’m debating kung kukunin ko siya or this gingerbread house. Like, what do you think?”
“Hmm, depende. Gusto mo ba ng whimsical vibes o classic vibes?” biro ko.
“Whimsical talaga. Para ang cute lang.”
“Are you even into cute thingy?” tukso ko, sabay turo sa hawak niyang snowman.
She laughed, shaking her head. “Yo, what's wrong with that? Ikaw ba, anong theme mo?”
“Wala akong theme. Basta may Christmas lights, okay na.”
Her eyes widened. “Y/n, you can’t! Ang boring! What are you, minimalist? I can’t let you do that. Like, no way.”
“Wow, demanding?!” Tumawa ako. “Sige na nga, ikaw na ang bahala sa theme ko.”
Nagpatuloy kaming maglibot sa mall, nakakapili rin ng iba’t ibang decorations habang nag-uusap tungkol sa kung anu-ano lang.
—
Habang namimili kami ng ibang pang decors, biglang may sumigaw ng, "Mikha! Y/n!"
We turned at may mga tao na nakaabang. May mga nagbubulungan, may kumukuha na agad ng pictures.
“Oh no...” i muttered, habang pinipilit kong magtago sa likod ng isang malaking Santa Claus figurine.
She just smirked. “Relax ka lang. Smile ka lang, diba? That’s your thing.”
“Smile?”
“Smile!” She waved at them casually. “Hello po!”
“Ay, grabe, Mikha!” sabi ng isang fan habang papalapit. “Sobrang cute niyo ni Ate Y/n!”
Nagkatinginan kami ni Mikha. She just shrugged. “I mean, we are cute.”
Napailing na lang ako. “Ang humble mo talaga.”
“Self-awareness lang."
—
By the time natapos kami, halos puno na ang mga bag namin ng Christmas decors. Nagdesisyon kaming mag-early dinner sa isang nearby café para magpahinga.
“Alam mo,” sabi ko, habang tinitingnan ang mga nabiling decors. “Hindi ko na alam kung Pasko pa ‘to o naging contest na sa dami ng pinapadala ng fans na ideas.”
“Well, at least magiging festive ang bahay mo, diba? You’re welcome,” sagot niya, sabay sip ng iced coffee niya.
"Hey, thanks for tagging along. Honestly.”
YOU ARE READING
Love and Fame | Mikha x Fem Reader
Fiksi PenggemarA fanfiction story about (Y/n) as a famous model of Calvin Klein and BINI Mikha.