Chapter 1

18 6 1
                                    

Bato

Pagdating namin sa bayan ay marami ng tao. Mga turistang namimili ng kung anek anek.

"Sampu,bente,singkwenta lang!!! ukay-ukay na kayo!"

"Kakanin!Kakanin!"

"Souvenir kayo diyan!"

Ganyan ang sistema ngayun dito sa bayan pagalingan mag alok,bawal mahiyain dahil mamalasin ang paninda.

Dumiretso na kami ni Chei sa aming pwesto, pinilit namin makipagsiksikan sa daan dahil sa may kabilang dulo pa ang pwesto namin.

"Bakit kasi dito mo naisipan dumaan Chei!" Pagalit ko sa kanya, hinila niya kasi ako dito.

Himbis na dun kami sa kabila dumaan para mas malapit sana.

Hinawakan niya lang ang bibig ko at palinga linga sa paligid na para bang may hinahanap.

"Baka kasi makita ko ulit sya!" Sambit niya.

"Sya? Sinong sya?" Nalilitong tanong ko.

"Basta sya!" Sagot niya.

Saya mo naman kausap, sarap mo itulak ay!

Kakahila niya sa akin kung sino sino na ang nabubundol ko.

"Aray ko!"  Napabitaw ako sa pagkakahawak ko kay Chei dahil sa napahinto ako ng mabunggo ako sa hindi ko kilala.

Nanatili akong nakayuko para hindi nya ako mamukaan.

Matangkad siya,malaki at matikas ang katawan parang pang sundalo.

Napahawak ako sa aking noo dahil matigas ang dibdib niya. Kaya medyo may impact.

"Sorry! Sorry!" Sambit ko.

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya.

Hindi ko na siya tiningnan at lumihis ako sa kanyang gilid para makaalis sa pwestong iyon.

Naglakad ako palayo sa kanya ng nakayuko at hinarang ko ang buhok ko sa aking mukha.

Bwisit ka Chei pinahamak mo ako! Tapos tatakbuhan mo lang ako! Hindi mo pa ako hinintay tariray ka talaga! Lagot ka sa akin mamaya.

Naglakad ako magisa at nakipag siksikan sa makipot na daan. Over sa dami ng turista ngayun nakakaloka.

Nang matanaw ko sila Hakob na nakaupo na sa pwesto nila at bukas nadin ang tindahan,nakalatag na ang mga paninda namin may ilang bumibili narin, kaya naman nag madali na ako mag lakad.

      ××××××××××××××××××××××××××××××

Felix's POV

She apologized without looking up, which seems weird. Why am I even thinking about this?

"What's up with her? She apologized without looking at me." I said.

"No clue, but she's cute, right?" Sambit ni Jio.

"Cute? Palibhasa babaero ka." Sagot ko sa kanya.

"Chix yun Felix!"  dagdag pa niya.

"Lahat naman sayo chiks, kahit bakla nga chiks mo rin!" Pabirong sabi ko sa kanya.

"Ay grabe dude. Parang hindi ikaw ah!"

"Talagang hindi! Bumalik na tayo sa Hotel."

"Ha?ano sinabi mo?" Tanong niya.

"Ang kabingihan mo! Sabi ko, bumalik na tayo sa hotel!"

Beyond The Sunset  [ Paradise Cove Series #1 ]Where stories live. Discover now