Chapter 9

5 6 0
                                    

Sermon ang almusal

Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nilang dalawa. Iniisip kung sino ang tinutukoy ni Cassandra.

"Hey!" Tawag ni Señorito.

A-ako ata ang tinatawag niya.

"A-ako po ba, Señorito?" Mahinang tanong ko.

"Who else?!" Mariin niyang sagot.

"B-Bakit po?"

"Bumaba kana!" Utos nya.

Hindi na ako nagsalita.Agad akong naglakad palabas ng silid para maiwan ko na silang dalawa ni Cassandra.

Pagkalabas ko ay hindi ko na narinig ang usapan nila,sayang.

Pero sino kaya yung tinutukoy ni Cassandra.

Ngayon alam ko na ang papel ni Cassandra sa buhay ni Señorito. May gusto siya kay Señorito!

Ano naman kaya nagustuhan niya dun,eh ang sama ng ugali ng lalaking yun.

Hays. Bahala sila buhay nila yan,labas na ako at wala akong pakealam sa drama nila.

Naglakad ako pababa ng hagdan namamanhid narin ang tuhod ko,dahil sa ngalay.

Pagdating ko sa lobby ay sobrang tahimik na.

Anong oras na kaya? Nagmadali na akong mag lakad palabas ng hotel para makapagpahinga narin ako ng maaga.

Pag dating ko sa silid namin ay nakita ko si Chei na bagsak na sa kanyang kama. Sobrang pagod ang bruha,aga makatulog.

Kinuha ko ang damit pantulog ko at dumiretso sa banyo.

×××××××××××××××

Ilang minuto lang ang lumipas nang matapos muli akong maligo.

Lumabas ako ng banyo na nakasuot ng pajama at oversized na damit.

Naglakad ako palapit sa aking kama at naupo ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Tawag?! Unknown number? Sino naman kaya ito?

Sinagot ko ang tawag ngunit walang sumasagot sa kabilang linya.

"Hello?! HI! HELLO! SINO PO ITO?!" tanong ko.

Walang sumasagot,kaya pinatay ko nalang ang cellphone ko.

Lakas ng trip nun ah! Baka wrong number.

Kumuha ako ng suklay para ayusin ang aking buhok.

Sheyt! Ang haba nakakatamad suklayin!

Dala ang suklay ay nag lakad ako palabas ng silid at para magpahangin muna sa bench.

10:00 p.m.


Malamig ang simoy ng hangin, rinig ko rin ang hampas ng mga alon. Mga ingay ng ilang turista na nag sasaya sa tabing dagat.

Ang kantahan at tawanan nila ay malinaw sa aking pandinig.

"When she cries at night..."

"...And she doesn't think that I can hear (her)~"

" She tries to hide..."

Beyond The Sunset  [ Paradise Cove Series #1 ]Where stories live. Discover now