List of bawal..
Nanatili akong tahimik at nakatanaw sa papalubog na araw.
Hanggang kailan ako magiging mutchacha sa masungit kong amo?
Hayyyy.
"Balik tayo sa usapan kanina,panira kasii sila ng moment!" Sabi ni Chei. Hindi na nakapagpigil.
"Okay na ako! Na realized ko na hindi dapat ako panghinaan ng loob mas kailangan ako nila Papa ngayun." Sagot ko. Pero malungkot parin.
"Tama yan! Alam kong may tinatago kang lakas at tapang hayaan mong lumabas yun at tulungan ka!" Sabi niya parang kinakalma ako.
Ang ganda ng langit ang pula at kahel na kulay ay may magandang kumbinasyon kaya tumingkad ang kulay ng ulap.
Habang hinihintay namin na lumubog ang araw,tila ba nabawasan ng kaunting bigat ang nararamdaman ko.
Nang tuluyan ng lumubog ang araw at unti-unting dumidilim ang kalangitan inaya ko na siya na bumalik na sa hotel.
Nakahawak ako sa braso niya habang nag lalakad kami pabalik sa hotel.
"Thanks Chei!"
Nang makarating kami ay naupo muna ako sa aking kama, dumiretso naman sa banyo si Chei.
Hindi pa naiinitan ang pwet ko sa pag kakaupo ay may narinig akong boses mula sa labas.
"FAIRY!!!! COME HERE!" malalim na boses at halatang si Señorito sungit.
Nagmadali akong lumabas para alamin kung anong iuutos niya.
Nakita ko siya sa may beranda sa ikalawang palapag at nakatanaw sa akin.
"Bakit señorito sungit?" Walang ganang tanong ko.
"Señorito sungit?" Ulit niya.
Ayyy hala! Ano ba naman itong pinagsasa-sabi ko.
"MALI KA NAG NADINIG!" protesta ko.
"Ano po'ng maipaglilingkod ko Señorito Felix?" Mahinhin kung tanong may pag yuko pa.
"Wala! Sige na bumalik kana sa kwarto nyo!"
"Ehh?"
Tinalikuran niya ako na para bang nanadya na siya! Papansin ata!
Bumalik nalang ako sa aming silid para makapagpahinga na.
Pagpasok ko nakita kong nakahiga na si Chei at nakapikit na ang mata.
Dapat nga siguro kaming mag pahinga ng maaga, dahil bukas panigurado maiiba na ang takbo ng buhay namin.
Nahiga narin ako sa aking kama at inabala ang aking sarili sa pagbibilang ng tupa, hanggang sa makatulog.
×××××××××××××××××
"Fairyyy!!! Gising na huyyy!"
Nagising ako sa pangbubulahaw ni Chei na parang sirena.
"Tumawag si Madam,hanap kana daw ni Señorito!" Sabi niya,habang inaayos ang kanyang buhok.
"Ha? Señorito?" Pagtataka kong tanong.
"Huy! Nanaginip kaba? Pinapatawag ka na daw ni Señorito!" Ulit niya na may halong biro.
Bumangon ako nang tamad, pilit na nilalabanan ang antok.
"Señorito sungit? Waaaat?" Biglang nagising ang diwa ko.
Mabilis akong nagayos at agad lumabas sa aming kwarto para pumunta sa lobby.
Pagdating ko sa lobby, andoon na siya-seryoso ang mukha.
YOU ARE READING
Beyond The Sunset [ Paradise Cove Series #1 ]
RomansaBeyond the Sunset When Felix, a successful city guy, is sent to Paradise Cove for work, he's expecting nothing more than peace and quiet. Sanay siya sa mabilis na pamumuhay sa city, pero hindi niya inasahan na makikilala niya si Fairy, isang simplen...