Señorito Sungit
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ganun din si Chei.
Nang makita namin kung sino ang magiging amo namin para kaming pinagsakluban ng langit at lupa.
Hindi namin narinig agad na tinatawag na pala kami ni Madam Viya.
"Fairy! Chei!" Tawag niyang muli sa amin.
Kaya bumalik ako sa aking ulirat.
"Huy chei! Tawag tayo!" Tapik ko sa balikat ng kaibigan ko.
Lumapit kami kay madam Viya, at napansin ko rin na humahakbang sa dereksiyon namin ang lalaki yun.
"Señorito Felix!Mabuti nariyan ka, sila ang sinasabi ko sayo. Si Fairy at chei!" sabi ni madam.
"Okay, pasunurin mo sa akin ang magiging personal maid ko!" Madiin na sabi niya.
Sabay naglakad palayo sa amin at umakyat muli sa hagdan.
Ay suplado pala! Bigyan ko kaya siya ng isang sapak?
"Fairy! Sumunod kana dun!" Utos sa akin ni Madam.
"P-pero paano itong gamit ko?"
"Bigay mo kay Chei, dadalhin niya yan sa room niyo." Sagot niya.
Kaya ibinigay ko kay chei ang gamit ko at nag madaling sumunod sa supladong amo ko.
Pag akyat ko sa second floor akala ko natapos na ang hagdan na lalakarin ko hindi pa pala meron pang isang hagdan.
Taktee unang araw palang rugado na ang binti ko!
Nasaan na ba kasi siya? Ang bilis niya naman mag lakad.
Hayss.
Habang naka sandal ako sa hawakan ng hagdan ay hinahabol ko pa ang aking hininga.
Nakakapagod!!
"Hey! Come here!" Sigaw ng lalaki na nakasilip mula sa itaas.
Paano niya nagawang mag lakad ng ganun kabilis? Nasa ikatlong palapag na ako halos hindi na normal ang paghinga ko dahil sa pagod.
ISANG HAKBANG NALANG!!!!!
Wooooo! Shet! Tiis ka muna Fairy.
"Ano okay ka lang?" Tanong niya.
Bahagya siyang ngumiti ng makita akong naghahabol ng hininga dahil sa pagod. Nakayuko ako at nakasuporta sa aking tuhod para hindi ako matumba.
Nangaasar ba siya?
Ang sama ng ugali niya! Tinatawanan lang ako. Jusmeyooo!
"Paano ka makakapag-silbi sa akin? Hagdan pa lang yan pagod kana!" Tuwiran niya.
MINAMALIIT AKO NG LALAKING ITO AH.
"Señorito,Don't judge the cover by it's book!" Sagot ko. Habang hinihingal parin.
"Ha? What did you say?"
Hatdog!
" Wala ho! Ano po bang maipaglilingkod ko sa iyo, Señorito?" Magalang kong tanong.
"Felix! Sino kausap mo?" Sigaw ng isang lalaki na papalapit sa amin.
"Personal Maid ko, yung ni recommend ni Aunt Viya." Sagot niya
" Ohh!!! Sya yung cute girl na nakabunggo sayo? Natatandaan ko yung buhok niya." Sabi nung lalaki.
Naku po!!! Sabi na nga ba si Señorito ang nabunggo ko sa bayan.
YOU ARE READING
Beyond The Sunset [ Paradise Cove Series #1 ]
RomanceBeyond the Sunset When Felix, a successful city guy, is sent to Paradise Cove for work, he's expecting nothing more than peace and quiet. Sanay siya sa mabilis na pamumuhay sa city, pero hindi niya inasahan na makikilala niya si Fairy, isang simplen...