Chapter 6

8 7 0
                                    

Topless si Amo

Nang makalapit ako sa Bato, lumapad ang ngiti ng mga bwitre ng makita nila akong papalapit.

"Si ate Fairy!"

"Ateee Fairy!! Ate Fairy!!"

Sabay sabay nilang sigaw.

Para namang isang taon hindi nagkita.

"Kamusta kayo? Abah himala hindi nyo kasama si Lira?" Tanong ko.

"May sakit kasi si tiya, binabantayan niya." Sagot ni Ian.

Talaga itong batang ito aktibo pag si Lira ang pinaguusapan.

"Ate napano yang kamay mo?" Tanong ni Hakob.

Napansin na pala nila ang kamay kong may balot.

"Ah, nasugatan lang!" sagot ko.

Naupo ako sa isang bato kung saan pinapanood ko silang mag tampisaw sa tubig.

Magbabadya na sana silang basain ako buti nalang napigilan ko sila kaagad.

"Bakit ka napadpad dito ate?" Tanong ni Intan

"Ah mag rerelax lang sana, hindi ko naman alam na nandito pala kayo."

"Mainit kasi kaya kami nandito nag papalamig." Dagdag niya.

"Ate kailan kayo uuwi ni ate Chei?" Tanong ni Ian.

"Hindi pa namin alam basta kapag may day off, uuwi kami."

" Hindi na tayo makapagtinda sa bayan."

" Walang nag sasaway sa amin."

" Walang kaming ate pag nasa baryo!"

Sunod-sunod na sabi nila.

Hayyy,buhay!

" Umuuwi ba si Mama sa bahay?" Tanong ko sa kanila.

" Hindi pa namin nakikita umuwi si tiya." Sagot ni Hakob.

" Ganun ba? Tanghali na oh,hindi pa ba kayo uuwi para mananghalian?" Tanong ko.

" Pauwi narin kami ate!" Sagot ni Ian.

Nag patuloy ang aming pag uusap at ng makalipas ang ilang minuto pinauwi ko na sila,bago pa sila malipasan ng pagkain.

Ako naman hindi ko parin alam kung paano ko haharapin si Señorito,baka galit parin siya sakin.

Tumayo na ako dahil nangalay narin ang likod ko sa pag kakaupo.

Naglakad ako pabalik sa hotel, baka kasi hinahanap na ako ni Chei.

At kapag minamalas ka nga naman,talagang sinusundan ako ng gulo.

"Look who's here girls!"  Sambit ni Glaiza.

Nakasalubong ko siya habang nag lalakad ako pabalik sa hotel.

Kasama nanaman niya yung dalawang babae na pininturahan ng makapal ang pagmumukha.

Iniwasan ko nalang ngunit hinila nya ang buhok ko.

"Oppss, haba kasi ng buhok mo nahila ko tuloy!" Sambit niya sabay ngisi na parang aso.

"Ganda ng buhok ko ano? Natural!" Pang aasar ko.

Inirapan nya lang ako at saka nila ako tinalikuran.

Mga baliw asar talo naman pala.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad ng makasalubong ko ang kalabaw.

"Fairy! Saan kaba nag punta kanina ka pa pinapahanap ni Felix!" Sambit ni Jio.

Beyond The Sunset  [ Paradise Cove Series #1 ]Where stories live. Discover now