Nagka-gusto kana ba sa hindi mo katulad ang estado?
Hindi ba't hindi naman hadlang ang estado sa buhay para mahalin ng isang tao?
Bakit tila mas pinakinggan nya ang sinasabi ng iba? Himbis na ipaglaban namin kung anong meron sa aming dalawa.
Langit siya at lupa ako tila pinagtagpo kami sa magkaibang mundo.
××××××××××××××××××××××××××××
Fairy
Waaaaah! Maliwanag na sa labas. Tumitilaok na rin ang mga manok,paano pa ako makakatulog nito?
Apat na oras lang ang tulog ko at sobrang bitin. Pero hindi pwedeng tanghali na ako bumangon dahil kahit ipot wala akong mapupulot.
Tumayo ako at inayos ang aking higaan. Pagkatapos ay lumabas ako sa aking silid at dumeretso na sa kusina para uminom ng kape.
Pagpasok ko sa kusina ay nakita ko si Mama na nag luluto ng almusal namin.
"Good Morning, mother earth!" bati ko sabay halik sa kanyang pisngi.
"Good Morning,anak! Mukhang maaga at maganda ang gising ng fairy namin ah?" bati niya sabay ngiti.
"Ma,puyat nga po oh, anlaki na ng eye bag ko! HAHAHA."
"Sabi ko naman sayo,wag kana magpuyat! Baka mahimatay ka na naman sige ka." Sabi ni mama at ang boses niya ay halatang nag aalala.
"Sorry na mudra! Marami kasi akong tinapos na mga pang-benta ko bukas." pagpapaliwanag ko.
Kinuha ko ang kumukulong tubig na nakasalang sa kalan para ilagay na sa aking tasa.
"Ma! Asan si papa?" tanong ko.
"Tumutugpa na. Alas tres palang nasa dagat na yun!"
"Ganun ba, Sayang naman,hindi ako nakasama. Pupunta na po ako sa kubo tatapusin ko pa kase yung mga pang benta ko." pagpapaalam ko.
Marami pa akong gagawing porselas at kwintas ngayun. For sure maraming touristang magpupunta o mag babakasyon lalo na at walang pasok sa eskwelahan.
Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni mama,kinuha ko na ang maliit kong bag at naglakad palabas ng bahay.
Pupunta ako sa aking munting kaharian,kung saan nakalagay ang mga gamit at paninda ko sa bayan.
Simple at maliit na kubo na ginawa ni papa para sa akin.
Kung saan gumagawa ako ng porselas at kwintas at kung ano-ano pa na maaaring pagkakitaan.
Hindi naman kalayuan ang kubo sa bahay namin mga ilang metro lang ang lalakarin.
Ngunit pag dating naman sa lugar ay maaliwalas at magandang tanawin ang bubungad lalo na pag sisikat at lulubog ang araw.
Habang naglalakad ako sa dalampasigan pinupulot ko ang mga maliliit na shells para idagdag sa mga produkto ko.
Balang araw mag kakaroon din ako ng shop at tatawagin ko itong "Fairy Jewelry shop" HAHAHA. Libre naman mangarap kaya bakit ko hahadlangan ang sarili ko.
"Ate Fairy! Ate Fairy!" tawag sa akin ni Lira,habang tumatakbo papalapit sa akin.
Isa sa mga batang katulong ko sa panggagawa ng mga produkto na ibinebenta ko sa bayan.
"Ang aga mo naman! Alam ba ni tiya Mabel na nandito ka?"
Hindi sya agad nakasagot dahil sa hinihingal pa siya. Tumakbo pa kasi!
YOU ARE READING
Beyond The Sunset [ Paradise Cove Series #1 ]
Roman d'amourBeyond the Sunset When Felix, a successful city guy, is sent to Paradise Cove for work, he's expecting nothing more than peace and quiet. Sanay siya sa mabilis na pamumuhay sa city, pero hindi niya inasahan na makikilala niya si Fairy, isang simplen...