Hotel
Isang lalaki ang pumigil sa kamay nung sinampal ko.
Nang makita ko ang katawan niya ay bumalik sa ala-ala ko yung nabunggo ko kanina.
Shet!
Hindi kaya siya yun? Wag naman sana.
Hinawakan ako ni Chei at hinila papalapit sa kanya.
"Tara na!" Sambit niya.
Mabilis kaming umalis sa lugar at sumunod sa amin ang mga bwitre.
"Ate Fairy! GINULAT MO KAMI!!!" Sigaw ni Hakob.
"Grabe nung sampalin mo yung babaeng sexy! *Paaak!" Sambit ni Ian. May kasama pang aksyon.
Sabay sabay silang nag tawanan dahil sa kalokohan ni Ian.
"Pinalabas si anger!" Dagdag pa ni Hakob.
"Tama na nga kayo! Tara na baka nahihirapan na si Lira mag benta dun!"
"Hala ang baby ko, baka natataranta na!" Sambit ni Ian.
"Yaaak! Baby daw!"
"Kinikilabutan kami sayo Ian!"
"Di ka papatulan ni Lira!"
"Bakit hindi?" Tanong ni Ian.
"Hindi kapa kasi Tuli! HAHAHAHA" Sagot ni Hakob.
Lahat kami ay nag tawanan dahil sa mga kalokohan nila.
"Ang babata nyo pa ha! Hindi pa nga kayo mga Tuli, may baby agad kayo!" Sabi ni Chei.
"Oo nga!" Natatawa kung sambit.
"Bilisan na natin puro kayo kalokohan!"
Nag lakad na kami at ang mga bwitre patuloy parin sa pag kwekwentohan tungkol dun sa mga nangyari sa bato.
"Ate Fairy! Ubos na yung tatlong basket!" Sigaw ni Lira ng makita kaming papalapit.
Nakarami kami ng benta ngayung araw umaga palang nakaka taltlong basket na kami.
Uutusan ko sana yung apat na bwitre na kuhain yung dalawang basket sa kubo. Bago pa man maubos ang paninda namin dito.
Napansin kong papalapit sa amin ni chei si madam Viya. Ang katiwala sa Hotel de Paraiso.
Malapad ang ngiti niya sa amin na para bang may kailangan.
"Fairy! Chei! Ready naba kayo?"
"Ready po saan?" Tanong namin ni chei.
"Nalimutan nyo na ba yung usapan natin?"
"Ay, Oo nga pala! Bakit po?" Tanong ko.
"Dumating na kasi yung anak ni Senior Leviasticio." Sagot niya.
"Oh tapos po?" Tanong ni Chei.
"Kung pwede sana ngayun na kayo mag start? Kailangan din kasi ng personal maid ni señorito. Kinsemil ang sahod kada kalahating buwan."
Napaisip ako bigla, malaki ang kinsemil pero kapalit nito mamasukan ako bilang personal na katulong ng anak ni Senior Levi.
"Sige po! Uuwi muna ako para ipaalam kila mama." Sambit ko.
Pinagligpit ko na sila Lira at mga bwitre dahil maaga kaming uuwi ngayun.
Nang mailagay na lahat sa basket ang natitirang paninda ay isinarado na namin ang tindahan.
"Mauna na ako sa Hotel! Sumunod nalang kayo!" Sabi niya.
" Sige po! Ingat!"
Kami naman ay naglakad na pabalik sa bahay bitbit ni Hakob ang basket na may laman pang mga paninda samantalang sunong naman ni Ian sa kanyang ulo ang ilang basket na walang laman.
YOU ARE READING
Beyond The Sunset [ Paradise Cove Series #1 ]
RomansBeyond the Sunset When Felix, a successful city guy, is sent to Paradise Cove for work, he's expecting nothing more than peace and quiet. Sanay siya sa mabilis na pamumuhay sa city, pero hindi niya inasahan na makikilala niya si Fairy, isang simplen...