The Promise

5.8K 190 5
                                    




Masaya akong bumalik sa hotel.

Hindi matanggal ang ngiti sa mukha ko at kahit mga taong nakakasalubong ko eh parang

nagugulumihanan sa akin.

Merong mga ngumingiti at meron ding nagtataka dahil siguro halata nila sa mukha ko na hindi

ordinaryo ang smile ko.

Ngiti ito ng taong in-love.

Pero deadma lang ako.

Basta ang alam ko, meron kaming something ni Jade.

Kahit hindi pa ito official dahil sa naudlot kong panliligaw, nararamdaman ko na hindi magtatagal at

magiging kami na.

Bakit ba naman kasi I chose the scenic route?

Eh pwede namang magtanungan na lang if we like each other and then boom! Mag-on na kami.

But Jade is not just an ordinary girl I will flirt with.

Sabi nga ni Batchi, I am head over heels in love with her.

I went inside the elevator na parang nakalutang sa ulap.

Ako lang mag-isa sa loob and I couldn't wait to talk to Batchi.

When I reached the floor to my room, I saw her waiting outside the room at may kausap sa phone.

Sa tono ng boses nito, mukhang seryoso ang usapan.

Nang makita niya ako, nagpaalam na ito at hindi ko maipaliwanag ang hitsura nito dahil parang

worried na worried.

Lumapit ito sa akin and without saying hello, tinanong ako kung bakit hindi ko sinasagot ang mga

tawag niya.

"Sorry Batchi, dead ang phone ko." Sagot ko.

"May problema ba?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Althea, si Papa mo sinugod sa hospital," di na ito nagpaligoy-ligoy pa.

"Kagabi ka pa namin tinatawagan,"

Pakiramdam ko eh biglang lumiit ang paligid.

Para akong nasa gitna ng isang madilim na lugar at wala akong nakikita o naririnig.

Buka lang ng bibig ni Batchi ang nakikita ko pero wala akong maintindihan sa sinasabi niya.

Nang medyo nakarecover ako, tinanong ko siya ulit kong anong nangyari.

"Hinimatay si Papa sabi ng kasambahay ninyo." Tumigil ito sa pagsasalita and alam ko na meron pang

bigger news na hindi pa nito sinasabi sa akin.

"Althea, lung cancer daw."

Naramdaman ko na lang ang kamay ni Batchi sa bewang ko.

Unti-unting bumigay ang tuhod ko at hindi ko na napigilan ang umiyak.

At that moment, lahat ng tuwa sa puso ko ay naglaho at napalitan ng takot.

***

Walang paga-atubili na nag-book agad ng ticket si Batchi pabalik ng Maynila.

Hiniram ko ang phone niya to text Jade since wala pang charge ang battery ng phone ko.

"Going back to Manila,"

"I'll tell you later. Xoxo, Althea."

Pagkasend ng message, nag-empake na ako ng damit ko.

Nagvolunteer si Batchi to take care of the rest of my stuff at siya na ang bahalang magdala nito sa Manila.

Till There Was YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon