Chapter 18

170 12 1
                                    

"Hey, are you still okay?" Tanong ko kay Kael nang mapansin kong mapula na ang mukha nito.

"Oo naman, bossing! Ikaw? Okay ka pa?"

"O-oo. Okay pa naman ako." Nag-aalinlangan kong sagot. Mukhang tinamaan na talaga sya sa aming iniinom.

"Miss Kael, pwedeng magtanong?"

Mabilis akong napalingon kay Kurt at agad na pinagtaasan ito ng kilay, nagtatanong ang aking tingin.

"Relax, okay? Wala pa. Sabi kasi nila nagsasabi ng totoo ang mga babae kapag may tama na ng alak."

"Mag-ingat ka sa mga itatanong mo, Kurt. Ibabaon talaga kita sa pwesto mo kasama ang dalawang 'yan!"

"Oh, bakit pati kami? Nananahimik na nga kami e." Agad na sagot ni Gav.

"Oo nga. Makikinig na nga lang kami sa itatanong ni Kurt, hindi na kami sasali. Kung hindi kailangan." Sagot naman ni Rio sabay ngisi.

"Hoy, kayong tatlo, umayos kayo ha. Babae pa rin 'yan at kasama ni Crius, mahiya kayo." Ito naman ang banta ni Cassian sa mga ito.

"Huwag nga kayong OA! Wala pa nga e," ani Kurt.

Tumingin muli ito sa katabi ko na katatapos lang ubusin ang laman ng kanyang baso. Tss. Hindi ko napansin 'yon ah!

"Miss Kael, pwedeng magtanong?"

Tinignan ni Kael si Kurt ng ilang segundo. Akala ko'y hindi ito papayag pero mayamaya lamang ay sumagot din ito.

"Sige basta 'wag mo akong englishin at baka hindi kita matantsa!"

Patago akong natawa dahil sa kanyang naging sagot. Bumulong naman sa akin si Cassian na katabi ko sa kabila.

"So, sya pala ang dahilan kung bakit sinasanay mo ang sarili mo magtalog?" Tumango naman ako. Napapailing itong nakangiti dahil sa sagot ko.

"Sige. Tagalog tayo." Sagot ni Kurt sabay tikhim. "Miss Kael, kung hindi ka girlfriend nitong kaibigan namin, may boyfriend ka ba?"

Napalunok ako dahil sa tanong na iyon lalo na sa tingin ng mga kaibigan ko. Alam kong ramdam na agad nila na gusto ko si Kael kaya nila natanong ang bagay na 'yon. Napatingin ako kay Kael na hindi na maka focus marahil dahil sa dami nang nainom.

"Boyfriend?" Tanong pa nito kaya tumango naman ang tatlong ugok. "Hmm... Wala."

Daig ko pang nabunutan ng tinik sa dibdib matapos kong marinig ang sagot na iyon ni Kael. Pero... Akala ko si Darwin?

"Wait. Wala? E si Darwin?" Hindi ko na napigilan pang itanong.

"Who is Darwin?" Tanong ni Kurt pero hindi ko sinagot dahil naghihintay ako sa sagot ni Kael.

"Darwin?" Tumango ako. Bigla naman itong tumawa kaya pare-pareho kaming nagtaka. "Si Darwin na palaging napagkakamalang boyfriend ko?"

Napagkakamalang boyfriend?

"Hindi ba?"

"Hindi. Best friend ko si Darwin. Sinasabi lang namin na boyfriend ko sya sa mga lalaking umaaligid sa akin para protektahan ako. Pero hindi ko talaga sya boyfriend. Bestfriend."

"Mukhang may nabunutan ng tinik sa tabi-tabi rito ah?" Pang-aasar ni Kurt. Pinakyuhan ko naman 'to.

"E, bakit wala kang boyfriend?" Tanong naman ni Gavriel.

"Hoy! Akala ko ba hindi kayo makikisali at makikinig lamang?" Tanong ko pero nagkibit-balikat lamang ito.

"Bakit nga ba wala pa 'kong boyfriend?" Tanong pa nito. Mukhang lasing na talaga sya. Mukha pa itong nag-iisip kaya natawa ang mga kaibigan ko dahil alam nilang lasing na si Kael.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: a day ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Womanizer Series #2 : Crius Irvin HoltTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon