SNIPER
________________________________
Sino ka ba talaga?
Sino ka ba talaga?
Magpakita ka!
Paulit ulit na bumabagabag ang mga salitang iyan sa isipan ko. Walang araw na hindi ako nababaliw kakaisip sa taong iyon.
"You're still thinking about him?" Tanong ni Hwang. Nasa undercover mission kaming dalawa ngayon sa isang sikat na kasino.
Pag-aari ng matandang nagngangalang Alberto Martinez kung saan nangyayari sa loob ang human trafficking kung saan ibinebenta nila ang mga batang walang kamuwang muwang sa mga dayuhang halang ang bituka.
"Hmm, it seems that I can't get him off from my mind" sabi ko ngunit tumawa lang ito. "Mamaya na iyan, baka mamatay pa tayo" siniko ko siya at sinenyasang manahimik dahil may mga tao ni Martinez ang nagbabantay.
Sa likod kami ng kasino dumaan kung nasaan ang underground parking niya. Makikilala kasi kami kung sa harap kami dumaan.
[Troop 1, in the east direction. There are approximately 20 men guarding your border.]
[Deploy the Troop 2 to your location.]
[Troop 4, move to the south, you're in danger if you keep your position there]
[Troop 3, stay with your location. I'll send back-up if needed]
[Sniper and Bullet, you take the lead inside. Your priority is Alberto Martinez]
Nakinig lang kami sa instruction ng Team in Control bago kumilos.
By the way, Bullet pala ang code name ni Hwang. Iyon lang, maraming thank you.
[Bullet, to your right. There's someone approaching] nagtago kaagad kaming dalawa ni Hwang sa loob ng trash bin.
May tauhan naman kaming spy dito sa loob kaya siya ang nagtulak sa trash bin kung nasaan kaming dalawa ni Hwang.
Dinala niya kami doon sa kwarto kung nasaan ang mga bata at may apat na lalaking nagbabantay.
Mabilis naman na nag-spray ng powder si Hwang sa apat kaya napatumba namin sila ng walang kahirap hirap. Nagpalit kami ng posisyon nung apat na lalaki.
Nilagay namin sila ni Hwang sa loob ng trash bin.
Dahan dahan kong pinihit ang kwarto kung nasaan ang mga bata.
"H-huwag po!" Sigaw ng isang batang babae na nasa edad 13 pa lang. "Huwag kang matakot, we're not evil" sabi ko dito ngunit umatras ito papalayo sakin.
"Sisigaw kami" saad ng mas matanda sa kaniya. "Kids, listen. We're vanguard. Galing kami sa isang secret organization na nagpoprotekta sa mga kagaya niyo. Kaya huwag kayong mag-alala, we're here to save you" kausap ko sa kanila.
Mabilis naman nila akong niyakap. "Talaga po?" Somebody asked. "Yes. Kaya makinig kayo sa lahat ng sasabihin ko okay" tumango naman sila.
BINABASA MO ANG
ADDICTED MEYLAN XZAVIER LUCCHESE
RandomM. A. F. I. A. Series #1 She's an underboss, he's a King..... She hates him, he wants to tease her..... But what will happen if she finds herself drifting to fall in love with the guy she hates the most? And worst, she became his addiction...... ...