Èr shí yī

93 4 0
                                    

SNIPER

________________________________

"BAKIT MO 'KO BINARIL?"

Nakangusong tanong ni Meylan hawak ang kaniyang balikat na ngayo'y naka-cast.

"Bakit naman hindi?" Balik kong tanong. "You took all my worries away and now you're asking me why? Muntik pa akong madisgrasya dahil sa kakamadali"

Kanina pa ito lingkis na lingkis sa'kin at ayaw akong bitawan.

Flashback......

[Meylan is in danger Sniper]

Halos mahulog ang lahat ng papeles na nasa mesa dahil sa gulat kong pag-tayo.

[What!? What happened to him? Naaksidente ba siya? Malala ba kalagayan niya? Saang ospital siya dinala?]

Sunod sunod kong tanong. This can't be happening!

May kutob akong may mangyayaring hindi maganda ngayon.

[We're currently driving to his location. He was abducted by the Traitors because someone put a bait and he attacked with his men but unfortunately, they're lured to an abandoned building]

Ginamit na naman siguro niya ang katangahang taglay sa buhay.

Hindi ako mapakali. Mabilis kong kinuha ng coat at susi ng sasakyan.

"Hey! Saan ka pupunta?" Inakbayan ako ni Hwang ngunit mabilis ko siyang iwinaksi. "I'm in a hurry. Nasa panganib si Meylan" sabi ko at kumaripas sa parking.

Hindi ako mapakali, hindi ko alam kung bakit kumakalabog ng sobra ang puso ko na animo'y gusto nitong lumabas sa ribcage ko at takbuhin si Meylan.

Tinext naman sa'kin ni Emperor ang location at chineck ko rin ang location nila Emperor, malayo sila sa kinaroroonan ni Meylan.

Mas mauunahan ko pa sila kung bibilisan ko ang takbo ng sasakyan.

Halos paliparin ko na ang kotse para mas mabilis akong makarating kay Meylan.

Naku! Mahal na mahal ko na talaga ang upak na iyon at siya lang ang nakagawa nito sa'kin.

Sa sobrang pag-aalala, muntikan kong masagasaan ang baboy na nakatali malapit sa kalsada papasok sa abandonadong warehouse.

Tinakbo ko ang lagusan papunta sa nasabing warehouse.

"Meylan! Meylan!"

Walang tao sa loob. Panigurado, nasa kamay na sila ng mga kalaban ngayon.

Palinga linga ako sa paligid hanggang sa may boses akong narinig. "Hahaha! You're here Sniper" hindi ko mahagilap ang nagsasalita kaya hindi ko alam ang gagawin.

Baka may inilagay silang mga killing devices kaya alerto ako sa posibleng mangyayari.

"Naunahan mo pa ang mga kaibigan niya but it's too late young Lady. He's already in the hands of our boss. This location was to lure all of you hahahaa"

Mahigpit kong hinawakan ang baril. Baka umatake sila sa'kin ng hindi ko nalalaman kaya mas mabuting maging handa.

"Magpakita kayo! Mga duwag! Sabihin niyo kung nasaan si Meylan!" Muli kong sigaw ng hindi ko na marinig ulit ang nagsasalita.

ADDICTED MEYLAN XZAVIER LUCCHESETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon