Shí bā

89 1 1
                                    

SNIPER

________________________________

"I'LL PICK YOU UP LATER LITTLE VENOM"

He said before kissing my forehead. "Take care of yourself" I said before waving goodbye to him.

"Kita namin iyon" bungad ni Deshna at tinuro pa ang monitor sa entrance. "Tapos?" Tanong ko.

"Luh! Maldita naman. Hindi porket naka-jowa ka lang ng Mafia King, tataray tarayan mo na kami. Sipain kita diyan eh" inirapan ko siya. "Ewan ko sayo Deshna. Ang dami mong ebas" sabi ko at dumeretso ng lakad sa office ni Kuya para mag-report.

Isang linggo na kasi akong hindi pumasok dahil sa mga kagagawan ni Meylan.

"Agent Sniper, reporting for duty in TRIAD Organization King" I lowered my head in front of him before handing him my access card. "May gana ka pa palang pumasok. I thought you're already a full time wife" sabi nito at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"Kuya ba talaga kita?" Naaasar kong tanong. "By blood, hindi. But by relationship, yes." He leisurely said.

I rolled my eyes at him. "I'm going to my work now" paalam ko. Binato lang ako nito ng paborito kong mochi. "I love you so much to the moon Kuya" I shouted before going out from his office.

He really knows how to make me happy. "Pahingi!" Mabilis kong tinago sa likuran ang mochi ng makita ko ang pagmumukha ni Hwang. Makikihati pa ito eh.

"Hoy! Kailan ka pa natutong maging madamot ha?" Masungit niyang tanong at pilit inaagaw sa'kin ang mochi. "Hey! Akin 'to! Kay Kuya ka mang-hingi kung gusto mo" inagaw ko sa kaniya ang mochi at itinakbo sa office ko.

I locked my door so no one could disturb my work.

Naisipan ko bigla na bisitahin si Meylan sa kaniyang lungga at magpasama kay Kuya.

Tapos na naman ang mga trabaho ko na nakabinbin dahil pinadala ko sa isa sa mga tauhan namin ang mga papeles na kailangan kong i-review.

"Kuyaaaa!" Sigaw ko at pumasok sa kaniya office. Nadatnan kong may kausap iyong lalaki na kaedaran niya lang din. "Who's she?" Kunot noo nitong tanong kay Kuya.

"She's Sniper, my sister" Kuya gestured me to come closer. Nakakahiya, sinigaw ko pa naman ang salitang Kuya. Hindi naman ako aware na may bisita pala siya. "Sniper, he's Cedric, my business partner" pakilala ni Kuya sa kaniya.

Hindi ko gusto ang titig nito sa'kin. "You're beautiful miss" he uttered. "Thanks, but I'm already taken" pinandilatan ako ni Kuya sa sinabi ko.

"That's all for today Cedric, let's talk about your proposal next time around" pananaboy ni Kuya sa kaniya.

"What brought you here my dear sister?" Tanong nito bago kurutin ang ilong ko. "Magpapasama sana ako sa lungga ni Meylan. Gusto ko siyang lasunin" sabi ko.

"Weh? Lasunin o miss mo lang?" He asked sheepishly. "Kuya samahan mo nalang ako. Kung ano anong sinasabi mo" hinila ko siya palabas ng sarili niyang opisina.

We went to his car and he gave me the keys. "Before we go to Meylan's place. I want to cook lunch for him at your place dahil mas malapit ang bahay mo dito" sabi ko at nagsimula ng magmaneho.

"Ugh, I just remembered that my house is under some minor constructions" kinakabahan nitong saad. "What!? Under minor constructions eh kakatapos lang nun ma-renovate?"

May tinatago siguro itong si Kuya kaya ayaw niya akong pumunta. "Kuya, tell me the truth. Are you hiding something from me? I won't tell it to anyone else" mabilis siyang nag-iwas ng tingin.

ADDICTED MEYLAN XZAVIER LUCCHESETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon