Shì sí

108 3 0
                                    

SNIPER

________________________________

"ANG SAKIT!"

Wika ko ng makarating sa bahay. Hindi umuwi si Meylan, for sure kasama niya iyong babae.

Kaya pala nagpaalam na hindi uuwi ng dalawang araw, may iba palang uuwian.

"Haha! Ang tanga mo talaga Sniper. Sinalo mo lahat ng katangahan sa mundo" Hindi ko na alam kung ano ang magiging reaksiyon ko.

Luh!? Ba't ka nasasaktan Sniper? Umasa ka noh?

Syempre, oo. Umasa ka!

Tanga ka kasi!

Nagbihis ako ng damit pantulog at dumeretso sa kusina. Kahit saang anggulo, nakikita ko ang anino ni Meylan.

Wahhh! Napapraning na 'ko! Lahat nalang ay may mukha ni Meylan.

Kapag tumingin ako sa kutsara, naku nakikita ko mukha niya.

Ganun ko ba siya ka-miss?

Stop dreaming Sniper. You're just his medicine or should I say, plaything.

Ang sakit pala. Sana nakinig nalang ako kay Deshna na hindi ang totoong Meylan ang ang kausap ko, kundi ang Meylan na manloloko.

Tumawag si Dashielle. [Are you okay baby?] May pag-aalala sa boses niya. [Yup, I'm fine. Bakit naman hindi?] I asked, clearing my throat.

[Tell me if you want me to accompany you. I'm always here for you baby. Sorry kung tinulungan ko si Meylan makalapit ako. I'm such a disaster to match the two of you] natawa ako dito. [Don't blame yourself Dashielle. You're not the reason] sabi ko dito at pagak na natawa.

[I'll hang up now. Lowbat na 'ko] paalam ko bago pinatay ang tawag.

Gusto kong mapag-isa muna para maproseso ang katangahang nagawa ko.

Sabi ko na nga ba eh, takte! Bakit kasi nahulog Sniper?

Paanong nahulog? Edi umasa.

Haist!

Pagkatapos kong makapagluto ng hapunan, kumain ako mag-isa. Muntik ng maghalo ang ulam at luha ko.

"Disgrasya ka talaga sa buhay ko eh! Sana hindi nalang kita tinanggap" paninisi ko kay Meylan.

Siya naman talaga ang may sala ng lahat ng nangyari. Syempre may sala din ako, kasi umasa.

Hindi ko nalang inisip pa ang mga bagay bagay at nagligpit nalang ng pinagkainan.

Itutulog ko nalang ang lahat, baka panaginip lang 'to diba?

Ay, masyado kang ma-fairy tale Sniper.

I turned off all my gadget to avoid any calls from the TRIAD and my friends. Alam kong batid na ng lahat ang nangyayari at ayaw kong maging topic of the day.

ADDICTED MEYLAN XZAVIER LUCCHESETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon