Blinded By Destiny

39 0 0
                                    

Bakit ba lagi nating idinidikit ang salitang tadhana kapag dumadating na iyong taong magmamahal sa atin? Totoo ba ang tadhana pagdating sa pag-ibig? Ang hirap naman paniwalaan na may dalawang taong nakatadhana para sa isa't isa, minsan kasi yung akala mong siya na eh hindi pa pala. #hugot

Chapter 1

Nagsimula lang naman ang lahat sa isang kilalang paaralan ng mga mayayaman, take note mayayaman eh paano ako napunta rito? Sus tinatanong pa ba yan, siyempre nag-enroll ako chos, pinalad na maambunan ng kaunting utak at nakapasa sa scholarship kaya ayun nakalusot at eto nasa ikalawang taon na sa kolehiyo. Dami kong sinasabi noh? Oh siya excited naman masyado sige na nga eto na ang kwento ni Charity.

Hay naku! Nandito na naman ang mga tropalogs ko (tropang jologs), bakit ba kasi sabay pa kami ng vacant time ng mga 'to. Kung alam ko lang na sila ang mga magiging tropa ko dito eh di sana nagtransfer na ako kaagad haha pero siyempre biro lang yun, kahit naman ganiyan iyang mga yan mahal ko yan, aba sila lang kaya ang tumuring sakin na prinsesa sa aming klase, matapos kong maranasan ang lahat ng mga pambubully ng mga sosyalera at devil kong kaklase di ko akalain na ang tatlong ugok na iyan ang magtatanggol sa akin, wala kasi sa itsura nila ang pagiging superhero. Yung matangkad na iyon, siya si Tom Serrano, loloko-loko lang iyan pero ubod ng galing sa Math at kahit jologs iyan habulin iyan ng mga chicks, ikaw ba naman maging kamukha ni Daniel PAdilla at kasingkatawan ni Paolo Avelino eh ewan ko na lang. Si Tom ang sanggang dikit ko sa lahat ng tropa, naaappreciate ko kasi ang madalas na pag-ooffer niya sa akin ng upuan kapag dadating ako, yung tipong pag-uupo na ko bigla niyang hihilain yung binigay niyang upuan, ang bait niya diba? Yung isa naman na 'yan, yung di nawawalan ng panyo sa ulo kasi lakas daw makagangster nun, siya si Sid, huwag mo susubukang kumpletuhin ang pangalan niyan kung ayaw mong magangster ka, eh kasi naman noh mahal na mahal siya ng tatay niya kaya ayun isinunod niya sa pangalan niyang Isidro Garcia Jr. oh diba badtrip hahaha. Oh eto pang isa, ang chinito ng barkada si Terrence Yap, ang nag-aassume na kamukha niya si Lee Min Ho, sus kapag chinito Lee Min Ho agad? eh mukha kaya siyang Intsik na nalugi.

"Uy Princess, grabe ka! kumain ka na kaagad di mo man lang kami hinintay." Sigaw ni Tom.

"Hoy ang OA ha, mukha bang may pagkain sa harap ko? san ba kasi kayo nanggaling?"

"10 minutes lang kaming nalate nang-iwan ka na sa ere, Princess naman wag ganun." Pang-aasar ni Sid.

"Naku tigil-tigilan niyo ko, wag kayong OA, kumain na lang kayo diyan at pwede ba tumigil nga kayo sa pagtawag sa akin ng Princess"

"ito namang si Charity Mae Delos Reyes ang taray-taray, meron ka ba ngayon ha? Penge nga hahaha" pang-aasar ni Sid

"Bakit hindi mo kaya itry buuin yung pangalan ko Sid nakakahiya naman sa iyo eh"

"hala ka napikon na, tigilan niyo na kasi si Charity baka maasar yan at kumalas sa samahan mawawalan tayo ng prinsesa sa barkada. Ang hirap kaya humanap ng kagaya niyan tignan mo naman ang kutis morena, ang height pang-beauty queen, at ang mukha mala-diyosa, wala nga lang kurba. Endangered na yan kaya ingatan natin"

"HA HA nakakatawa yun?! Layuan mo ko Tom baka di kita matantiya. Kumain na nga kasi kayo diyan,"

"Sabayan mo kasi kami princess hindi kami sanay kumain nang hindi ka kasabay" aya ni Tom.

"Busog na ko tsaka pamasahe ko na lang pauwi 'tong nasa pitaka ko noh"

"Sus saan ka nabusog sa tubig? ang drama kahit alam niya naman na kami ang magbabayad ng kakainin niya" bulong ni Terrence

"sige na sagot na namin, sabayan mo lang kaming kumain" sigaw ni Tom

"ah sige makulit kayo ha, ate Mercedes bigyan mo nga ko ng dalawang slice ng chocolate cake , tatlong malaking potato chips, at isang 1.5 na Coke pakicharge po sa kanila"

Blinded By DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon