Chapter Five

8 1 0
                                    

Sermon

Calix Montefalco

Kanina pang nagtuturo si sir Jade sa amin at naiinip na ako. Last period nalang pero hindi na ako makapaghintay. Hindi naman ako nakikinig kay sir Jade at sa halip ay inaabangan ko ang pagtunog ng bell para maka-uwi na ako.

Si Mitsuha ngayon ang katabi ko at hindi rin siya mapakali at tila inaabangan niya rin ang pagtunog ng bell. Tumingin nalang siya sa bintana at nagmasid sa kalangitan.

"Ms Hinatsu?"

"Ssssttt...tawag ka ni sir."

"Ms Hinatsu!"

Dahil sa malakas na sigaw ni sir Jade, muntik nang humiwalay sa katawan ko ang kaluluwa ko. Sa tingin ko hindi lang ako, pati na rin ang mga ka-klase ko.

Agad na natauhan si Mitsuha at tumayo mula sa kaniyang upuan.

"Y...yes sir?" Kabadong tanong ni Mitsuha kay sir Jade.

Ibinaba ni sir Jade sa teachers table ang hawak-hawak niyang module at humarap kay Mitsuha.

"Bingi ka ba?" Tanong ni sir Jade kay Mitsuha.

"Hi...hindi po." Kalmadong sagot sa kanya ni Mitsuha habang nakatingin parin sa lamesa niya.

"Iyon naman pala eh. Bakit hindi ka sumasagot?!" Tanong sa kanya ni sir Jade.

"S...sorry po. Hindi na po mauulit. Pautal-utal na sabi sa kanya ni Mitsuha.

Kinuha ni sir Jade ang module sa teachers table habang hindi niya inaalis ang pagkakatingin niya kay Mitsuha.

Tinignan ni sir Jade ang module na hawak-hawak niya at saka tumingin kay Mitsuha.

"Answer this question." Sabi sa kanya ni sir Jade at saka tinignan niya ulit ang hawak-hawak niyang module.

"You were provided with data showing the arrival time of the P and S waves recorded from three scismic stations. Which of these can you possibly determine? Sabi ni sir Jade sa kanya habang itinuturo niya ang chart na nakapaskil sa board.

Tumingin sa akin si Mitsuha at bumulong kung ano ang sagot. Sinenyasan ko siya na wait lang at kumuha ako ng pirasong papel sa notebook ko saka siya tumingin kay sir Jade.

"What is the answer, Ms Hinatsu?" Tanong sa kanya ni sir Jade at saka ko naman dali-daling sumulat sa papel.

Bago paman ako nakatapos, mukang nakita ako ni sir Jade ang ginagawa ko kaya siya nagsalita.

Lagot!

"Mr Montefalco, what are you doing?" Tanong sa akin ni sir Jade.

Agad siyang naglakad papunta sa upuan ko.
Akmang tataguin ko na yung papel pero kung minamalas ka nga naman oh, nahulog yung papel sa ilalim ng mesa.

Ano ba 'to? Malalagutan talaga ako nito kay sir Jade. Ang malas!

Kukunin ko na sana 'yong papel sa ilalim ng mesa kaso naunahan na ako ni sir Jade.

"What is the meaning of this, Mr Montefalco?" Biglaang tanong sa akin ni sir.

Dahan-dahan akong tumingala kay sir at saka ko siya tinignan. Ngumiti ako sa kanya pero hindi ito tumalab.

"Don't smile on me you jerk!" Mahinang sigaw sa akin ni sir Jade saka niya pinunit ang papel na nakuha niya sa ilalim ng mesa ko.

Napayuko nalang ako sa ginawa ni sir Jade. Naramdaman kong lumakad siya patungo sa teachers table kaya agad akong tumingin sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: a day ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When A Gangster Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon