"Yes Kuya, nakatabi naman po yung pang tuition ko" sabi ko habang inaayos ko ang suot kong uniform
Katawagan ko ngayon si Kuya Gwyn para kamustahin ako at yung perang pambayad ko sa Tuition ko.
Hindi pa kasi verified ang atm card ko dahil hindi ko maasikaso, bawal din naman ang atm card ni Kuya Gwyn dahil kailangan ay atm card ng mismong estudyante.
Nang makita ko ang oras ay nag mamadali kong kunin ang bag ko dahil malapit na kong ma late, agad din akong nag paalam kay Kuya Gwyn. Lumabas na ko ng apartment ko at sinara ko yon ng mabuti.
Hindi na ko nag hintay ng sasakyan at tinakbo ko nalang ang pag punta ko sa university, hingal na hingal ako ng makarating sa university ko.
Isang subject lang naman ang klase ko ngayong umaga at dalawa naman sa hapon, kaya after ng isang subject ay pumunta na ko sa counter para makapag bayad na ng tuition.
Bubuksan ko sana ang bag ko ng makita kong naka bukas ito at wala na don ang pera, ang perang pambayad ko ng tuition.
"Shit! Nanakawan yata ako!" Napahawak nalang ako sa ulo ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko
Lagot ako sa Parents ko pag nalamang nawala ko yung pera.. Lalo na kay Kuya Gwyn na pa ulit-ulit akong pina aalalahanan kanina.
"Anong gagawin ko?" Tanong ko sa sarili ko at tumulo ang luha sa mukha ko
Ayokong mangutang, dahil ayokong may iniintindi pa. Ang laking pera din yon...
Wala na kong magawa at iniyak ko nalang, kailangan na kailangan ko yon...
"Hey, Ms. Why are you crying?" Napa tingin ako sa lalaking lumapit sakin
Matangkad sya, maamo din ang mukha, maputi na medyo moreno, tsaka yung boses nya napaka hinhin. Pero hindi ko sya kilala.
"Nawala ang pera ko.." sabi ko
"What? I can't understand you" sabi nya, oo nga pala nasa Florida na ko wala na ko sa Pinas
"I lost the money. I was supposed to use to pay for my tuition." Tumingin ako sakanya, pinunasan ko na din ang mukha ko dahil nakakahiya
"Oh..." Yun lang ang sinabi nya
Ang familiar nya sakin, hindi ko alam kung saan ko sya nakita.
"I can pay your tuition"
"Ha?" Napakunot ang noo ko sakanya "Ka mahal mahal ng tuition ko tapos babayaran mo? Hibang ka ba?"
"English please" ngumiti sya
Kung babayaran nya ang tuition ko? Wala na kong po-problemahin, pero hindi naman kami close para bayaran nya ang tuition ko! Di ko nga toh kilala!
Hays bahala na
"Would you agree?" Tumabi sya sakin kaya naman ay lumayo ako ng kaunti sakanya
"Okay" sabi ko
"But in one condition" napa awang ang labi ko sa sinabi nya
"Ano na naman? Anong kondisyon yan?" Inis akong tumingin sakanya
Oh God! Akala ko ang swerte ko na, hindi pa pala
"You will pretend to be my girlfriend for five months" malakas ko naman syang binatukan
"Hambog ka ba ha? Ang feeling mo kuya! Kaka break ko lang, huwag ako! Hindi ako laruan para pag laruan mo lang" sunod sunod kong sabi sakanya
"Speak English!" Lumakas ang tono ng boses nya
YOU ARE READING
Nang Dahil Sa'yo (Destiny Series #5)
RomanceKaya mo bang mag mahal ng taong hindi mo naman kilala? Paano mo pakikisamahan ang isang tao kahit hindi mo pa sya kilala? Lindtsey Marie Gwen Bautista, isang dalaga na napaka ganda at punong puno ng pag mamahal ng kanyang pamilya. Napaka bait nyan...