"Pumili ka, ako o ang mga anak mo?" Tumingin ako kay JP at pinunasan ko ang mga luha sa mukha ko
"Marie, bakit kailangan kong mamili?" Ramdam ko sa boses nya ang pag ka inis "Pareho ko kayong pipiliin" Niyakap niya ako, at ramdam ko ang pagtulo ng kanyang mga luha
"JP naman, ayokong makasira ng pamilya" hikbi ko
"Matagal ng sira ang pamilya namin..."
"Gustong gusto ng mga anak mo na mag karoon ng kompletong pamilya, piliin mo sila" sabi ko at hindi ko na sya makita dahil patuloy ang pag agos ng mga luha ko sa mukha ko
"Paano ka? Paano tayo?" Usisa nya sakin
Oo nga noh?
Paano kami?
"Kung pipiliin mo ko, paano ang mga anak mo? Ayos lang ako JP." Ngumiti ako ng bahagya sakanya
"Hindi, di ka magiging maayos. Mag su-sustento nalang ako sakanila, huwag lang tayo mag ka hiwalay" mas hinigpitan pa nya ang pag kaka hawak sa dalawa kong kamay
"Fix your family JP, ayos lang ako. Kung ipag papatuloy pa natin toh, ang mga anak mo lang ang masasaktan balang araw. At malaki din ang respeto ko kay Ate Hilda, ate sya ng kaibigan ko e"
"Nais pa kitang patuloy na mahalin." His voice broke
"Siguro, yung ibubuhos mo sakin na pag mamahal. Ibigay at ipadama mo nalang sa mga anak mo, deserve nila ang pag mamahal mo JP" sabi ko at muli ulit ko syang niyakap
"Nag aalala pa din ako sayo" hindi ko na alam ang gagawin ko, sobra na kong nasasaktan
"Huwag kang mag alala, aalagaan ko na ng mabuti ang sarili ko. Hindi na ko mag ba-bar gabi gabi" ngumiti ako sakanya
"Marie, mahal na mahal kita.." lumakas ang pag iyak nya kaya ay lumayo ako ng kaunti sakanya
"Mahal din naman kita JP, wala lang akong magawa... Naaawa din ako sa mga bata..."
"Si-sige na, aayusin ko na ang pamilya ko. Papalayain na kita kung yon ang gusto mo... Basta alagaan mo ang sarili mo, huwag ka ng mag lalasing kase di na kita maaalagaan. Salamat, salamat sa pag mamahal Chocolate ko.." shocks, ang sakit
Inabot ng dalawang taon ang relasyon namin, sa loob ng dalawang taon na yon ay walang nag loko, walang napagod. Sadyang mapag laro talaga ang tadhana, mag mamahal na nga lang sa may pamilya pa.
Ang swerte nga sa pamilya, sa love life naman hindi
"Ano? May anak sa ibang babae si John Paul?" Pag sigaw ni Kuya Eugene
Kakauwi ko lang galing sa Condo ni JP, sakto naman na andito ang mga pinsan ko pati na din si Kuya
"Tangina, totoo ba?" Gulat na sabi ni Kuya Mike habang karga karga ang kanyang anak
"Naalala nyo po nung nag bar kayo? Diba po kwento nyo nawala si JP non?" Tumingin ako sakanilang dalawa, nasa labas pa si Kuya Raymart at si Kuya Gwyn
"Oo" saad ni Kuya Mike at ibinaba ang anak nya
"Nagalaw nya si Ate Hilda, kapatid ng kaibigan ko" mahinhin na sabi ko
"Jusko naman!" Napa hampas nalang si Kuya Eugene sa may pader dahil sa inis o galit na nararamdaman nya "Edi wala na kayo ni JP?"
"Wala na" marahan akong umiling
"Ayos ka lang ba? Kamusta ka? Kaya mo bang umusad sakanya?" Sunod-sunod na tanong ni Kuya Mike, lumapit naman sakin si Kuya Eugene at sinandal ko ang ulo ko sa balikat nya
"Ayos naman po ako, kaso ang hirap din po sa part ko. Kakayanin ko pong umusad sakanya, hindi naman po special lugaw si JP" sabi ko, medyo ngumiti din ako
"Ikaw na nga lang nag iisang babae saatin, ikaw pa ang nasasaktan ngayon dahil sa love life na yan" sabi ni kuya Eugene
"Oh anyare kay Lindtsey?" Napalingon kaming tatlo sa may pintuan ng marinig namin ang boses ni Kuya Gwyn, kasunod naman nya si Kuya Raymart
Napa punas naman ako sa mukha ko ng mag ka tinginan kami ni Kuya Gwyn
"Teka, umiiyak ka ba?" Tanong sakin ni Kuya Gwyn
Umiling naman ako at hindi makatingin sakanya
"Anong ginawa nyo kay Chocolate?" Tumaas ang tono ng boses ni Kuya Raymart
Chocolate... Takte si JP ang nag bigay ng nickname sakin non e
Dahil nung bata ako ay mahilig talaga akong kumain ng mga Chocolate's
"Tanginang yon ah! Jinowa-jowa si Lindtsey may anak pala!" Napatakip nalang ako sa tenga ko ng sumigaw si Kuya Gwyn
Si Kuya Mike na yung nag kwento sa dalawa kung ano ba ang nangyari
"Kuya, hindi din po alam ni JP na may anak sya." Tumingin ako sa kuya ko
"Ayan sige, ipag tanggol mo pa!" Sabi ni Kuya Raymart
"Sinasabi ko lang po ang totoo" tumingin ako kay Kuya Raymart
"Oh anong plano mo ngayon?" Tanong sakin ni Kuya Eugene
Ano nga ba?
Kung itutuloy ko ang isa pang taon sa Florida, siguro pag uwi ko ulit ng Pilipinas ay naka usad na ko kay JP
"Tapusin po ang pag aaral ko sa Florida" sabi ko
"Bakit ayaw mo nalang dito? Ikaw nalang ang mag isa don" saad ni Kuya Mike habang hinehele ang kanyang anak
"Kuya Mike, sayang po ang citizenship ko don sa Florida."
Wala na silang nagawa kundi payagan akong bumalik ulit sa Florida, pano may mga asawa na kasi kaya ayaw ng bumalik don.
Saaming mag pipinsan, ako nalang ang walang asawa. Bata pa naman ako at gusto ko pang ma enjoy ang buhay ko.
Tuloy na tuloy nga ang pag balik ko sa Florida dahil sila Kuya Eugene na ang nag ayos ng mga gamit na dadalhin ko.
"Shuta ka, sure ka dyan?" Tanong sakin ni Ann
Andito kami ngayon sa isang tambayan, na malapit sa University na pinapasukan nila.
Kasamahan namin ngayon si Madeline and Aerish, si Jrose busy sa pag aasikaso sa kanyang mga anak. Si Mae-mae busy sa career, si Louise naman ay nasa Singapore busya mag alaga ng baby nya, si Reign nasa Canada pa. Wala na yata yon balak na umuwi susko.
"Aalis ka? Bakit naman biglaan" lumungkot na sabi ni Madeline
"Kailangan kong tapusin ang pag aaral ko sa Florida, saglit lang ako don. Mga nasa 6 months lang ako" tumingin ako kay Madeline
"Nag iinarte lang yan si Made, pano namimiss ang mag ama nya" pang aasar ni Aerish sakanya
"Tama na nga yan, baka umiyak pa yan" suway sakanila ni Ann kaya naman masama syang tinignan ni Madeline ngunit dedma lang si Ann
Ang saya siguro kung makukumpleto kami, hays. Di na na kompleto ang tropa, si Reign napasarap na sa Canada di na kami inuwian.
Follow me on IG: sulatni_sunny
YOU ARE READING
Nang Dahil Sa'yo (Destiny Series #5)
RomanceKaya mo bang mag mahal ng taong hindi mo naman kilala? Paano mo pakikisamahan ang isang tao kahit hindi mo pa sya kilala? Lindtsey Marie Gwen Bautista, isang dalaga na napaka ganda at punong puno ng pag mamahal ng kanyang pamilya. Napaka bait nyan...