CHAPTER 6 (MARKY)

1 1 0
                                    

[Hey, Marie? Anong nangyari? Hoy!] Nanginginig kong kinuha ang selpon ko

"O-okay lang ako" saad ko

[Lumayas ka na dyan sa puder ng Kyle na yan ha! Baka mapahamak ka lang dyan!] Sabi ni Mae-mae

"Natatakot ako, Mae-mae. What if mangyari sakin ang mga nangyari kay Tita at kay Kuya Eugen?" Puta, nag o-overthink na ko dito

[Kumalma ka, huwag kang mag overthink dyan. Sa lalong madaling panahon lumayas ka na dyan]

"Pe-pero si Kyle ang nag bayad ng Tuition ko" pangangatuwiran ko sakanya

[Papalitan ko nalang ang binayad nya]

"Ang laking pera non, Mae-mae. Baka ma short ka"

Sagana sa pera sila Mae-mae kaya ganon nalang sya umasta, pero kahit na ganon ay hindi ako papayag. Nakakahiya kila Tito at Tita.

Nag paalam na din sakin si Mae-mae dahil kailangan na sya sa taping nila, ako naman ay hindi ako lumalabas ng kwarto. Naririnig ko parin ang pag ba-basag ng mga bote at yung mga bangayan nila.

Hindi ko na din alam ang gagawin ko, mga lalake sila hindi ko sila kayang awatin. Haysss...

Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na ko nakarinig ng ingay sa labas, maybe umuwi na sila at tulog naman na si Kyle.

Habang kinukulayan ko ang gawa ko ay pana'y tunog ang selpon ko.

LUBOG NA GC

Louise: Kamusta naman si Marie?

Jrose: What happened ba?

Madeline: Busy kasi sa mga anak kaya di ka updated

Jrose: Eh ikaw nga tinaguan ng anak

Ann: Oh tama na

Aerish: Asan na ba si Marie?

Mae-mae: @Marie

Marie: Hai guyzzz

Madeline: Ano balita dyan?

Jrose: Are you okay?

Mae-mae: Mag book na ba ako ng plane ticket?

Louise: Ang oa, Mae-mae ha

Marie: Dw, guyz I'm fine

Aerish: Thank God

Madeline: Uwi ka na dito, di na kami mapakali

Marie: Hindi pa pwede, Made

Mag ta-type pa sana ako ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko, malakas ang pag katok na yon kaya natatakot ako...

"Marie?" Mas lalo akong natakot ng marinig ko ang malakas na boses ni Kyle

Shocks...

Natatakot ako....

Tangina, ma bu-bugbog ba ko?

Nag taka naman ako ng biglang nawala si Kyle, natigil na kasi ang pag katok nya pati na rin ang pag tawag nya sa pangalan ko.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto, nakita ko si Kyle na lasing na lasing na dahil pulang pula na ang kanyang mukha dahil sa alak. Nakita ko din sa bandang kamay nya ang dumudugo nyang daliri.

"You're still awake. I'm knocking on your bedroom door so hard, but you won't say a word, nor will you open your bedroom door." Sabi nya, kaya napa atras ako sakanya

Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko?

"Bakit takot na takot ka?" Tanong sakin ni Kyle, kahit na lasing sya ay maayos pa din ang pananalita nya

Nang Dahil Sa'yo (Destiny Series #5)Where stories live. Discover now