CHAPTER 2 (HILDA)

2 1 0
                                    

"I am sorry, Marie. Hindi ko din naman ginusto toh, pasensya na" pag hingi ng tawad sakin ni Ate Hilda

Bago ako umalis ng Pinas ay nakipag kita muna sya sakin, andito kami ngayon sa isang Restaurant sa may BGC

"It's okay, Ate Hilda. Para naman po sa mga bata ang ginawa naming desisyon" ngumiti ako sakanya ng bahagya

"Salamat Marie, sa katunayan gustong gusto ng mag ka Daddy ang mga anak ko. Hindi ko din alam na si JP pala ang gumahasa saakin noon."

"Alagaan nyo po si JP ah? Mahal na mahal ko po yon" sabi ko

"Marie, umalis ng bansa si JP kaninang madaling araw" napakunot ang noo ko sa sinabi ni Ate Hilda

"Bakit po? Akala ko po ba aayusin nya ang pamilya nyo?" Bakit umalis ng bansa si JP? Paano ang mag i-ina nya

"Nag Decided sya na ikukulong nya ang sarili nya sa Dubai. Okay naman na sakin na huwag na nyang gawin yon, gusto ko rin namang bigyan ng kompletong pamilya ang mga anak ko. Kaso buo na ang desisyon nya" Habang kinukwento niya, nakatitig siya sa akin. Kitang kita rin sa kanyang mga mata na paiyak na sya

"Ano po ang dahilan ni JP?" Usisa ko kay Ate Hilda

"Gusto nya na pag dusahan ang ginawa nyang kasalanan saakin, gusto nya pag uwi nya ulit ng Pinas okay na sya, at matatanggap sya ng aming mga anak" ngumiti sya sakin

Aming mga anak Takte plano namim yon e, bakit ganon? Hays...

Mahal na mahal ko si JP pero anong laban ko sa mag i-ina nya?

"Have a safe flight Princess namin" niyakap ako ni Kuya Gwyn

This is a day, na aalis ako ng bansa just to moved on. Si Kuya at ang mga pinsan ko lang ang nag hatid saakin sa Airport. Busy ang mga kaibigan ko dahil may mga pasok sila ngayon, specially Madeline and Ann mahirap ang kinuha nilang mga kurso.

"Thank you Kuya, kayo din po mag iingat dito" malambing na sabi ko

"Baka naman pag balik mo may jowa ka ng ipapakilala samin, naku naku Marie Gwen" pag bibiro ni Kuya Raymart

"Kuya Raymart wala po, promise" tumingin ako sakanya at ngumiti

"Oh sya, pumasok ka na sa Airport baka maiwan ka ng eroplano, sige ka baka di ka pa maka moved on kay JP" nakangising sabi ni Kuya Eugene

"Si Kuya!" Sinamaan ko sya ng tingin

"Huwag nyo na ngang inisin si Lindtsey" pag suway ni Kuya Mike sa dalawa

"Papasok na po ako sa Airport, mag iingat po kayo dito" ngumiti ako sakanila at nag group hug kami

I am so lucky I have a cousins and Kuya like them. Nasa Bukidnon ang parents namin ni Kuya Gwyn dahil may inaasikaso sila don para sa business namin, kaya hindi na sila nakasama sa pag hatid sakin dito sa Airport.

Tatlong bagahe, isang backpack, isang sling bag at isang hand carry na maleta ang dala dala ko. Mag a-apartment nalang ako pag dating don sa Florida o kaya naman ay titira ako sa bahay nila Kuya Eugene.

Pag ka land ko sa Florida ay nakahinga ako ng maluwag, it's been 2 year's na hindi ako naka uwi ng Florida. Wala namang bago, ganon na ganon pa din.

Kinuha ko na din ang mga maleta na dala dala ko at tsaka hinintay ko na si Janice. She's my Friend noong nag sisimula palang akong mag aral dito.

"Ang tagal naman ni Janice!" Naiinip kong saad

Nag text naman sya kanina at ang sabi ay malapit na sya pero hanggang ngayon ay wala pa sya

Tumayo na ko para sa labas ko nalang sya hihintayin, pero sa pag tayo ko ay may lalaking bumunggo sakin. Dahilan na muntik akong madapa at mahulog ang mga maleta ko.

"Ay kabayo!" Sigaw ko at tinignan ko yung lalaking naka bunggo saakin

"Wala man lang sorry! Kainis!" Naiinis kong sabi at inayos ko ang buhok ko

Mga lalaki nga naman!

"Bestie!" Napangiti ako ng makita kong tumatakbo si Janice papunta sakin

"You took so long to come!" Sabi ko sakanya at niyakap ko sya

"Pasensya aking bestie" ngumisi sya

"May nahanap ka na bang apartment?" Tanong ko

"Yeah, kaso malayo sa university mo" tumingin sya sakin, binigyan naman nya ko ng isang malaking ngiti

"Kainis naman!" Inirapan ko sya

Lumabas na kami ni Janice ng Airport sinundo naman kami ng kanyang bebe loves, sana all meron!

Ibinaba lang nila ko sa apartment ko dahil may pupuntahan pa daw silang mag jowa, mag de-date yata super cringe!

Pag pasok ko palang sa Apartment ko ay nag ayos na agad ako dahil next week ay papasok na ko, sakto din dahil naka sem break ang mga estudyante dito kaya may oras pa kong mag enjoy.

Habang nag luluto ako ng kakainin ko ay tumawag naman sakin si Reign and Mae-mae. Sabay pa nga, kaya sabi ko sakanila ay sa gc nalang para makasama din ang ibang girls.

"Nag luluto ako dito, tumatawag kayo!" Sabi ko sakanila

[Inaalam lang namin na naka dating ka dyan ng safe] sabi ni Mae-mae

[Himala Mae-mae and Ann hindi kayo mag kasama ngayon] sabi ni Aerish

[I have a class duh! Tsaka may taping ang Cookies ko!] Naiinis na sabi ni Ann

"Chill ka lang, ate ko" sabi ko kay Ann tsaka tumawa

[Teka asan ba si Jrose? Bakit hindi sumasagot?] Sabi ni Made kaya naman ay nakita ko sa screen ng selpon ko ang pag iba ng mukha ni Reign

[Hi Reign!] Kumaway si Aerish kay Reign

[Hello! I miss you all] ngumiti samin si Reign

"Kelan pala ang uwi mo? Wala kang balak uwian sila Tita Hilga?" Tanong ko kay Reign

[Meron naman, kaso kailangan pa ko ni Tita dito] saad ni Reign

[Ikaw ba Louise? Kelan uwi mo? Hula ko di ka parin nakakausad] pang aasar ni Mae-mae kay Louise

[Fuck you!] Umirap si Louise kaya natawa ako

Hanggang sa pagkain ko ay bardagulan lang nila ang naririnig ko, namimiss ko na agad sila sheshhh.

Follow me on IG: sulatni_sunny

Nang Dahil Sa'yo (Destiny Series #5)Where stories live. Discover now