CHAPTER 5 (FRIGHTENED)

1 1 0
                                    

Lumipas ang tatlong araw na madalang ang pag kikita namin ni Kyle dahil busy sya sa mga readings nya sa Law, at ako naman ay busy din sa mga plates ko.

Sa weekend na ko mag lilipat ng mga gamit ko sa condo ni Kyle.

[Tangek, sure ka ba dyan?] Tanong sakin ni Louise

Ka video call ko ang girls ngayon pero si Reign lang ang wala, nasa training pa.

[Marie, makikipag live in ka sa isang lalaki na hindi mo naman masyadong kilala?] Sabi ni Madeline

"Eh anong magagawa ko? Sya ang nag bayad ng tuition ko" pangangatuwiran ko sakanila

[Eh bakit naman kasi nawala mo yung tuition mo? Tsaka bakit di ka nag sabi samin? Ng matulungan ka namin] sabi ni Aerish

[Aerish is right] saad din ni Ann

"Hayaan nyo na, mabilis lang naman ang five months" sabi ko

After kong kausapin ang girls ay inayos ko na yung mga gamit na dadalhin ko sa condo ni Kyle, hindi naman lahat ay dadalhin ko dahil uuwi pa din naman ako dito sa Apartment ko.

"You're so tagal!" Iritableng sabi ni Kyle, nakita ko namang inilapag nya yung makapal nyang libro sa lamesa

"Kung tinutulungan mo ko, edi sana kanina pa ko tapos" tiningnan ko siya nang masama

"Bakit kita tutulungan? Gamit ko ba yan?" Arghh nakaka inis na talaga sya

Hindi ko na pinansin si Kyle, ipinag patuloy ko nalang ang aking pag i-impake ng mga damit.

Nag dadalawang isip ako kung dadalhin ko pa ba ang picture namin ni JP. Kinuha ko yon at tinitigan, ang bata pa namin dito. Nasa grade 1 palang siguro kami.

"Sino yan? Kapatid mo?" Rinig kong tanong ni Kyle

"Ex ko" humarap ako sakanya "Ang cute nya diba?"

"Sus saan ang cute dyan?" Sabi nya at kinuha ang picture frame sa kamay ko "Mas cute ako dyan" tinuro nya pa si JP

"Cute ka nga, masungit ka naman at walang respeto sa mga babae!" Sinigawan ko sya

Ang cute cute kaya ni JP, my first ex.

Nang matapos na ko sa pag i-impake ng mga gamit ko ay lumabas na ko ng kwarto ganon na din si Kyle.

Mabuti naman at si Kyle na yung nag buhat ng mga maleta ko pa baba ng apartment, pogi nya sana kaso di sya gentleman tulad ni JP at ng mga kuya ko.

Ekis talaga toh sakin!

"Ka lalakeng tao, napaka kalat!" Naiinis kong sabi ng makita ko sa condo nya ang mga bote ng alak

Ang dami dami, may mga damit pang naka kalat sa kung saan-saan.

"Condo pa ba toh Kyle?" Sabi ko at may naamoy pa kong usok ng sigarilyo, tinignan ko si Kyle at may subo-subong isang stick ng yosi

Lumayo naman ako sakanya at tinakpan ang ilong ko

"Why?" Tinaasan ako ng kilay ni Kyle

"Papasok na ko sa kwarto ko" tumalikod ako sakanya

"Malapit sa kusina ang kwarto mo" sabi ni Kyle

Pumunta na nga ako sa kwarto ko para maayos ko na yung gamit ko. Napapa isip tuloy ako ngayon kung i-tutuloy ko pa ba toh?

Ayoko sa mga ganong klase ng tao, yung naninigarilyo malapit sa kapwa.

Habang inaayos ko ang mga gamit ko ay naka receive ako ng text mula kay Kyle.

Nang Dahil Sa'yo (Destiny Series #5)Where stories live. Discover now