CHAPTER 4 (SORRY)

2 1 0
                                    

"Masarap kasi ang mga yon" inirapan ko sya

Habang hinihintay namin ang pagkain ay busy kami ni Kyle sa kanya-kanyang selpon.

Nakiki chismis ako ngayon sa X dahil yung idol ko ay may panibagong issue na naman.

Nagawa ko na lahat at wala pa rin ang pagkain, mag i-isang oras na din.

"Ang tagal naman" bulong ko

Nag taka naman ako ng biglang tumayo si Kyle at pumunta sa may counter

"F*ck you!" Napa atras ako ng awayin ni Kyle ang mga waiter sa may counter "You made us wait for a long time!" Galit na galit na saad ni Kyle

Shocks, ganto ba ang tunay nyang ugali?

Nagagalit agad?

Pwede naman nyang kausapin ng maayos ang mga waiters ah, bakit kailangan nyang magalit?

"Bakit kailangan mong magalit? Pwede mo namang kausapin ng maayos!" Pinag sasabihan ko ngayon si Kyle habang palabas kami ng restaurant

"They made us wait for a long time! How do you expect me to react? It’s still fun, though, because it took so long for our order to arrive, and it hasn’t even been prepared yet!" nanggigigil na sabi ni Kyle

"Kahit na!" Naiinis na sabi ko "Ganyan ba ang ugali mo? Kung ganyan ang ugali mo, itigil na natin tong pag papanggap natin!"

"Ano iiwan mo ko? Katulad ng ginawa nila? F*ck Marie, akala ko iba ka! Katulad ka lang din pala nila!"

"Kahit sino naman maiinis sa ugali mo! Halos mga babae pa ang kaharap mo kanina!"

"Wala kang magagawa, Marie. Ganto ko, ganto ang ugali ko" sinamaan nya ko ng tingin

Oh Lord ano nga po bang gagawin ko sa lalaking toh?

"Ewan ko sayo Kyle!" Inirapan ko sya

"Uuwi na ko" tumalikod sya sakin at iniwan nga akong mag isa sa kalsada

"Arghhh nakakainis ka talaga!" Nangigil na sigaw ko

Umuwi na ko sa apartment ko na naiinis parin kay Kyle, bakit ko ba kasi sya nakilala? Sa lahat ng naka salamuha kong lalaki ay si Kyle lang ang naiiba.

Mukhang hindi sya napalaki ng mga magulang nya ng ayos ah, kase hindi naman ganon ang magiging ugali ni Kyle kung mababait naman ang mga magulang nya.

Pag ka pasok ko sa apartment ko ay tumunog ang selpon ko, kinuha ko naman yon sa bulsa ng palda ko at nakita ko ang pangalan ni Kyle.

From: Kyle
Be careful when you go home

From: Kyle
Sorry for my behavior.

Pinatay ko ulit ang selpon ko, inilapag ko naman sa may coffee table ang mga dala kong gamit. Pumunta ako sa kwarto ko para makapag palit ng damit, kanina pa ko init na init.

Habang ginagawa ko yung plates ko ay tumawag sakin si Kyle, hindi ko na pinansin yon at nag focus nalang ako sa ginagawa ko.

Pero napaka kulit talaga nya! Hindi nya ba alam na ayaw ko syang kausapin?

"Ano? Tawag ng tawag amputa!" Inis kong sabi ng sagutin ko ang tawag nya

[I'm going to your apartment.] Sabi nya

"Ha bakit? Jusko Kyle! Pumirme ka nalang dyan sa Condo mo!" Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sobrang kalat ng apartment ko

[I'm here] saktong pag sabi nya non ay nakarinig ako ng pag katok sa pinto ng apartment ko

Inilapag ko ang selpon ko sa may lamesa at pumunta ako sa may pinto.

Napa irap nalang ako ng makita ko na naman ang mukha ni Kyle!

"Don't mad at me, I brought food for you" ngumiti sya sakin, nakita ko ang isang paper bag na dala nya

Pinapasok ko sya sa may Apartment ko, medyo nahiya naman ako dahil makalat ako. Nawalan na kasi ako ng oras na mag linis dahil kailangan kong matapos ang plates na ginagawa ko.

"Kababaeng tao, napaka kalat!" Pag re-reklamo nya

"Huwag kang kumuda dyan! Apartment ko toh! Hindi mo toh apartment!" Bulyaw ko sakanya

Nakita ko syang pumunta sa may kusina, ako naman ay iniligpit ko ang mga gamit ko sa may lamesa.

"Bakit puro gulay? Akala ko ba ayaw mo ng gulay?" Tanong ko kay Kyle ng makita kong puro gulay ang dala dala nyang pagkain

"Baka kase may masabi ka" inirapan nya ko

Bago yon ah

Sinabayan ko na nga sa pagkain si Kyle, natatawa naman ako ng pilit nya paring kinakain yung mga gulay kahit na nasusuka na sya.

"Huwag pilitin kung ayaw ng gulay" pag paparinig ko

"H-huh? I like vegetables kaya" sabi nya habang punong puno ng gulay ang bibig nya

Pinipilit nya pa eh halata namang nasusuka na sya. Kaya ang ginawa ko ay tumayo ako at kinuha ko yung natira kong ulam kaninang umaga, ininit ko lang yon at ibinigay na kay Kyle.

"What's this?" Tumingin sakin si Kyle

"Daing" sabi ko

"Eww" nandidiring saad nya

"Arte mo! Ang sarap sarap kaya nyan!" Nang umulan ng kaartehan andon si Kyle sa gitna sumasayaw

Susko

"Wala bang steak?" Usisa sakin ni Kyle

"Wala! Hindi ako nag kakarne, minsan lang" ngumiti ako ng bahagya sakanya

Nakita ko pa syang parang nasusuka habang tinititigan ang daing na malapit sakanya. Masarap naman ang daing ah! Bakit ayaw nya?

"Saka ka nalang mag steak" sabi ko

"Arghh fine" no choice sya kundi ulamin ang daing

Kung maka eww kanina sya pa tong naka ubos at umiisa pa nga!

"Tama na Kyle, hindi ka pa ba nabusog?" Tanong ko sakanya habang inililigpit ko ang pinag kainan namin

"The Daing is so delicious" at inartehan pa nga ang pag sasalita

Para tumigil si Kyle ay ipinag luto ko nga ulit sya ng Daing, pero habang nag luluto ako ay sya yung mag huhugas ng mga pinag kainan namin.

"This is my first time to wash dishes!" Pag re-reklamo nya

"Anak ng tokwa, senyorito ka ba sa bahay nyo? Pati pag huhugas ng pinggan, hindi ka marunong?" Tumingin ako kay Kyle

"We have so many maids" sabi nya

"Eh sino ang nag huhugas sa condo mo?"

"My Yaya" ngumiti sya ng tipid sakin

Sarap ng buhay ng batang toh ah?

May mga kasambahay naman kami ah, pero bakit kailangan ko pa ding matutong mag hugas ng pinggan? Haysss

Follow me on IG: sulatni_sunny

Nang Dahil Sa'yo (Destiny Series #5)Where stories live. Discover now