12

2.5K 19 0
                                        

R-18
_______

Matapos ibaba ni Suadela ang bag ay nagtungo na siya sa likod-bahay ng mga Enderes. Ayon sa mama ni Janis ay nandoon na ang lahat at sinisimulan ang arko.

"Suadelaaaaa, tara ditoo!" tili ni July.

Awtimatikong lumipad ang tingin sakanya ng mga kasama nito sa mesa na sina Nea, Janis, at Vinny. Ang lahat ay animo may alam na hindi niya alam.

Kunot-noong nilapitan ni Suadela ang mga ito. Paglapit niya ay namataan niya si Castor sa isang bahagi ng bakuran na kasama sila Milo at iba pang lalaki sa deparment nila. Mga nakatingin din sakanya maliban kay Castor na hindi man lang siya tinapunan maski isang sulyap at busy sa phone na hawak.

"Ano 'to ha?" si July at ipinakita sakanya ang phone nito.

Nagtatakang kinuha niya iyon. May mga litrato doon kung saan kasama niya ang magkakaibigang sina Sen, Sil, at Luan. Kuha iyon sa canteen, sa daan habang nakaakbay sakanya si Sen, at sa Rustic Table kung saan magkakasama silang kumakain sa isang mesa.

"Saan galing 'to?" kunot-noong tanong ni Suadela.

"Sa school website natin." Ani Nea.

"Bakit kasama mo yung mga chupapi ng SU?" tanong ni July.

Suadela returned the phone to July. She felt that not only July is waiting for her answer -- but everyone in there.

"Tropa ni Sil yung dalawa tapos kasama ko si Luan sa IDC."

"Eh, bakit nga kayo magkakasama? Bakit nakaakbay si Sen sayo?" nang-iintrigang usisa ulit ni July.

Napakamot sa pisngi si Suadela. "Kumain kami ng lunch."

Lahat ng nasa mesa ay binigyan siya ng nagdududang tingin. Maging ang mga lalaki sa gilid ay hindi makakailang lihim na naghihintay sa paliwanag niya. Si Castor? Ayun, nakayuko pa rin sa phone nito.

Bumuntong-hininga si Suadela. "Nagpasa ako ng activities kay Luan saktong dumating sila Sen at Sil sa faculty. Inaaya nila si Luan kumain, nadamay lang ako. Ayon, sa canteen dapat kami kakain kaso maraming tao. Walang upuan. Lumipat kami sa Rusta."

"Ahh..." magkapanabay na sabi ng apat na kaharap. Naiiling na kaswal na nilingon ni Suadela si Castor. Nakakunot-noo na ito habang nakayuko sa phone. Kachat at inaaway nanaman ba ito ni Gia?

"Ano bang gagawin?" pag-iiba ni Suadela ng usapan.

"Eto," turo ni Nea sa mga papel na nasa mesa, "saka yon," nilingon nito  ang mga lalaking bumalik na sa pagsusukat ng kahoy. Maging si Vinny ay lumapit na sa mga ito at nakitulong.

"May kulang pa na materials." Kaswal na sabi ni Janis na abala na ulit sa paggugupit ng mga de kulay na papel na gagamitin pang-decorate sa arko. Maging si July ay ganun din ang ginagawa.

Inilahad ni Suadela ang palad, "Akin 'a."

Ang lahat ng andoon ay may pinagkaka-abalahan maliban sakanya kaya nagprisinta na siya.

Mabilis na nilista ni Janis ang mga kulang sa papel at inaabot iyon kay Suadela kasama ang pera na galing sa departamental fund nila.

For the third time, Suadela secretly glimpsed at Castor and saw him still busy on his phone. Until now, she doesn't know what happened on Gia and him yesterday. They're already kissing in broad daylight earlier, so maybe they got back for the nth time?

Thinking that, Suadela turned her back and took a shortcut at the side of the house to the gate. There are a lot of nearby stores in the area. The nearest mall is even only twenty minutes if you will commute.

S U A D E L ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon