"Aaw!" nakangiwing pinigilan ni Nea ang kamay ni Janis.
"Tiisin mo, sandali." At magaan na dinutnot ni Janis ang cotton bud na may antibiotic ointment sa leeg nito.
Matapos ma-tsek at malinisan ng school nurse nila ang mga sugat at kalmot ni Nea ay ipinakisuyo nito kay Janis na tapusin ang paglalagay ng gamot dito at iniwan na sila sa clinic. May importanteng meeting daw itong pupuntahan.
"Lukaret na Gianna yun! Napaka-war freak talaga! Pasimple ko nga ring sinabunutan kanina habang umaawat ako," gigil na sabi ni July na nakapamewang habang pinapanood si Janis.
Janis chuckled while Nea grimaced as she blew on her stinging scratches. Suadela remained quiet while leaning against the wall at the corner.
"Girl, kung ako talaga sayo malamang sipa at tadyak pa ginawa ko—"
Natigilan sa pagsasalita si July nang may kumatok at bumukas ang pinto.
"Mga ate," a boy from lower year in their department greeted in a hesitant voice, "pinapatawag po sa office ni Dean Gallega lahat ng fourth year."
"Luh!" July looked at Nea with wide eyes.
Tumayo si Janis, "Edi pumunta." Nilingon nito si Suadela, "Ikaw na magtuloy nito. Mauna na kami para magpaliwanang kay Dean Gallega."
Suadela met Janis' knowing gaze as Nea looked down.
Mukhang alam ni Janis na hindi sila okay ni Nea at gusto nito silang pagbatiin.
"Sunod kayo after ninyo, girl," dagdag ni July. "Magdala kayo ng tubig pangbanlaw nating lahat." At natatawang sinundan si Janis palabas.
Tahimik na tumabi si Suadela kay Nea at inabot ang cotton bud at ointment.
"Ako na," Nea took the cotton bud from her.
Suadela remained seated, watching Nea.
"So, okay na kayo ni Castor?" kaswal na tanong nito at hinipan ang brasong nilalagyan ng gamot. "Magkasama kayo kanina."
Hindi kumibo si Suadela.
"Iba talaga kapag maganda ka tapos mayaman pa. Nagagawa mo ang kahit anong gusto mong gawin." Tumaas ang sulok ng bibig ni Nea. "Kahit traydurin yung kaibigan mo."
Binawi ni Suadela ang paningin sa katabi at itinuon niya iyon sa sahig.
"Oo na," tumatangong sabi ni Nea habang bahagyang napapangiwi sa paglalagay ng gamot sa kamay, "alam ko namang mas lamang na lamang ka sakin. Kutis mo pa lang talo na ako." At ibinaba nito ang hawak sa kandungan at tinitigan yun, "Inggit na inggit ako sayo sa totoo lang. Maganda ka, talented, okay sa acads tapos mayaman pa." She shook her head. "Kapag magkasama nga tayo paulit-ulit ako sinasampal ng katotohanang may favorite child talaga siguro ang Diyos."
Hindi niya alam na ganon ang nararamdaman ni Nea.
"Kaya binabawi ko nalang sa social skills talaga e. Kahit man lang doon maungusan kita." At pagak na natawa. "Tapos naging close kami ni Castor. First time kong maka-meet ng lalaking walang crush sayo. Na ako yung inapproach dahil sakin interesado at hindi sayo."
Nanatiling tahimik si Suadela. Totoo naman ang sinasabi nito. Hindi siya gusto ni Castor simula pa lang. Si Nea ang gusto nito kaya nga siya pumasok sa eksena at pinalayo ito sa babae dahil parehong may sabit ang dalawa at dala na rin ng kahibangan niya.
"Alam mo namang nagugustuhan ko na siya," bulong ni Nea. "Si Castor lang ang meron ako na wala ka, Suadela. Kaya bakit pati siya kinuha mo?"
"Walang kami ni Castor," walang buhay na sagot ni Suadela. "Kung talagang gusto mo siya, makipaghiwalay ka na kay Austin. Kausapin mo din siyang ayusin na yung sakanila ni Gia."
BINABASA MO ANG
S U A D E L A
Ficción GeneralStarted: August 2, 2024 Completed: August 6, 2025 WARNING: The following content may contain sensitive themes that is not suitable for all audiences. Please proceed with caution. _______ This story is written in Taglish. DISCLAIMER: This is a work...
