Saan ka?
School ka na?
Busy??
Kunot-noong paulit-ulit na binasa ni Suadela ang mga text kay Luan. May interval na twenty minutes ang mga iyon pero wala man lang itong nireplayan kahit isa. Lumingon siya sa paligid ng library. Sa pagkakaalam niya ganitong oras ito nagla-library. Nasaan na ito?
She decided to open her Messenger when she remembered their GC for IDC. She'll try messaging him there if he's online.
There he is! Online nga ito pero bakit hindi ito nagrereply sakanya?
Absent ka ba?
May text ako sayo.
🤔
"Huy."
Mabilis na nagtaas siya ng paningin nang marinig ang pamilyar na boses na yon, "Ikaw lang?" medyo dismayadong tanong niya kay Sen.
They have become closer than before, and he has finally stopped calling her 'idol' not long ago.
"Oo," naghila ito ng upuan sa tabi niya, "hindi pa rin pumapasok si Sil. Bakit?"
Napatango si Suadela. Huling balita niya kay Sil ay pinag-iisipan na nito kung magdedemanda ito. Malamang iyon ang dahilan. Wala rin nababanggit sakanya si Hedone at huling kita nila ay yung araw na nakitulog siya sa apartment nito.
"Si Luan?"
"Umuwi may nakalimutan daw. Bakit nga?" inilagay ni Sen ang siko sa mesa at ipinatong ang gilid ng mukha sa nakabukas na palad.
"Kanina pa?"
"Ngayon lang." Sen scrunched his nose, "Anakng— bakit nga? Anong trip yan? Naririnig mo lang yung gusto mong marinig?"
Bahagyang natawa si Suadela at nailing. "Wala. Mag-isa ka lang eh. Parati diba kayong magkakasama?"
Suadela checked her phone. Luan didn't even read her message even though he's online? That got her thinking.
Hindi siguro siya magkakaganon kung hindi lang kapansin-pansin ang pagkawala nito sa mood mula nang maggrocery sila. Nakauwi nalang siya at lahat ay mukha pa rin itong badtrip sa hindi malamang dahilan. That was two days ago, she had not seen him even once in SU since then which was odd.
?
Suadela hit send. If he didn't reply or read her messages within twenty minutes, she will go to his apartment.
She grabbed her lower abdomen and winced. Damn, period. Nakisabay pa.
"Alam mo ba? Friends na kami ni Wenderling," abot tengang balita ni Sen.
"Ow? Tinaggap ka?" si Suadela nang matandaang iyon ang crush nitong crew ng RusTa.
"Ay, wow. Medyo mapanlibak ang tono ha?"
Suadela chuckled. "Congrats! May one percent ka nang chance sakanya."
"Alam mo maganda ka. Pasmado lang talaga bibig mo."
"Truth hurts."
"Ha? Hakdog." Sen rebutted childishly.
Suadela glared at him. Yun lang, simula nang maging close sila nito pati siya binabara-bara na rin.
"Aware ba siya na friends na kayo?" nakataas ang isang kilay na tanong niya.
Sen became quiet.
She tsked. Mukhang one-sided friendship pa ang nabuo nang isang ito sa crush nito. Kawawang Rossendo. Aakalaing mong playboy sa dami ng mga babaeng lumalapit dito pero ang totoo, bokya ito sa babaeng gusto. Sa basketball lang talaga magaling.
BINABASA MO ANG
S U A D E L A
General FictionStarted: August 2, 2024 Completed: August 6, 2025 WARNING: The following content may contain sensitive themes that is not suitable for all audiences. Please proceed with caution. _______ This story is written in Taglish. DISCLAIMER: This is a work...
