11

2.6K 19 1
                                        

Sandaling itinigil ni Suadela ang pagsusulat at minasahe ang batok. Kasalukuyan siyang nasa library at tinatapos ang mga P.E. activities niya na pasahan na nang araw na iyon. Malapit naman na siyang matapos pero hindi niya alam kung ano ang mas unang literal na matatapos; ang kamay niya o ang batok niya?

Umaga na siya nakauwi sakanila dahil hindi naman siya ginising ni Luan. Kaya heto siya ngayon, nginangarag ang sarili. Bakit kasi nakalimutan niyang may due date pala siya?

"Kontakin ninyo si Castor ha para makatulong."

Nilingon ni Suadela si Janis na abala din sa pagtotoka ng tasks nila para sa gagawing parada bukas. Unang araw na ng Foundation week at gaya nang nakaugalian ay kailangan nilang gumawa ng departamental arch na gagamitin sa parada. Iyon ang naatas na trabaho sakanila habang ang mga lower year naman ang bahala sa pageant at booth.

"Ako na magcha-chat." Ani Vinny.

"Anong oras kitaan mamaya?" Si Milo.

"Anong oras ba out ninyo?" balik tanong ni Janis.

Nagpatuloy sa pagsusulat si Suadela. Gagawa sila ng arko sa bahay nila Janis dahil ito ang may pinakamalapit na bahay sa SU. Overnight. Doon na sila manggagaling dahil maaga din ang assembly time para sa parada.

"Alas-cuatro last class namin." Si Nea at siniko si Suadela. "Uuwi ka pa ba o hindi na?"

"Uuwi pa ako. Wala akong gamit na dala." Ani Suadela habang nagsusulat. Huli na nang makita niya ang GC nila na mag-o-overnight sila kaya siya lang ang walang damit.

"Sige, sunod ka nalang." Kinalabit ni Nea si Janis, "Sabay na kong umuwi sayo, Ja."

"Okay. Kung sino pa sasabay. Kita-kits tayo sa exit ng mga alas-cuatro y medya."

Ibinaba ni Suadela ang ballpen na hawak. Natapos din siya.

"Pasa ko lang 'to," paalam niya sa mga kasama sa mesa at sinimulang ligpitin ang gamit. Tinignan niya ang oras. Maaga pa. Mukhang makakakain pa siya ng lunch bago ang susunod nilang klase. Hindi na niya nagawang sumabay kumain kila Nea kanina sa pag-aalalang hindi niya matapos ang mga activities niya.

Pagdating sa tapat ng pinto ng office ni Prof. Millare ay dalawang beses muna siyang kumatok bago marahang itinulak ang pinto. Isinungaw niya ang ulo sa loob.

Walang tao.

Bahagya siya nakahinga ng maluwag. Buti nalang at wala doon si Luan. Dala nang kahihiyan ay nagmamadali siyang umuwi kaninang umaga at hindi na nagawang magpaalam sa natutulog pang lalaki.

Nagmamadaling inilapag ni Suadela ang folder sa mesa. Sa wakas makakain na din siya. Sa school cafeteria nalang siguro siya kakain.

"You're here."

Gulat na napalingon si Suadela sa sulok ng kwarto. Andun si Luan na pabangon mula sa couch. Mukhang nagising pa niya ito sa pagsi-siesta.

"Nagpasa lang ako ng activities—"

"Are you feeling better now?" Luan stood up and walked towards Suadela. He casually put one of his hands on Suadela's temple that made her stepped back. "Mukhang okay ka naman na but you still look flushed. Have you taken a medicine?"

"O-okay na ko," si Suadela na dalawang beses pa umatras mula sa kaharap. Masyado itong malapit sakanya. At bakit ganun pa rin siya nito tratuhin? Extended ba ang pagiging mabait nito sakanya?

"Good to hear that," Luan put his hands in his pockets, "but what time did you go home? Bakit hindi mo ko ginising?"

"Hey, Luan—"

The door behind them suddenly opened. Two pairs of eyes looked at Luan and Suadela with surprise and curiousity.

"You didn't knock." Luan said flatly, breaking the awkward silence, before walking towards the table with a lot of folders.

S U A D E L ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon