27

1.6K 19 2
                                        

TW: Self-harm
________

"Kayo na?" tanong ni Nea matapos makita ang tinitignan ni Suadela.

"Hindi pa," sagot ni Suadela habang ang mga mata ay nasa second floor. Nakaupo sila ngayon sa quadrangle, sa harap ng main building. Mula doon ay kitang-kita nila si Luan sa corridor at may kausap na mga estudyante.

"Nililigawan ka pa lang?" si Janis.

"Oo?"

"Bakit hindi ka sure?" napakunot-noo si Janis at nailing naman si Nea.

Pumalong-baba si Suadela sa mga tuhod habang nakatingin pa rin kay Luan. Ano nga ba ang tawag sakanila ni Luan? Updated sila sa bawat sila. Magkatext, call at chat. Madalas video call pa nga. Inaabot pa sila ng umaga. Sweet sila sa isa't isa. Clingy pa. Parati silang magkasama. Pumupunta na ulit siya sa apartment nito. Minsan nauuna pa nga siyang umuwi dito. Ilang beses na rin nakitulog pero... wala silang label. Hindi pa nila napag-uusapan kung ano sila.

Should she ask Luan? Okay lang ba yun? Baka maturn off ito sakanya.

"Baby," si Nea na hinaplos ang impis pa na tiyan habang nakayuko, "okay lang magmana ka sa Ninang Sue mo ng kagandahan at katalinuhan pati yung talent. Pero auto pass tayo sa low EQ niya ha? Please lang, anak. Hindi nagagamot yun."

Biglang bumunghalit ng tawa si Janis na nakipag-apir pa sa natatawa ring si Nea.

Inirapan niya ang mga ito. Nakakatawa na ulit ang huli dahil naayos na ang pinoproblema nito. Alam na ng mga magulang ni Nea na buntis siya. Tatapusin lang niya ang first sem at ipagpapaliban muna ang paggraduate dahil sa panganganak. At hindi sila ikakasal ni Austin hanggat hindi pa nakakagraduate si Nea. Sa ngayon, dumadalaw-dalaw lang ang binata sa bahay nila Nea at hanggang maka-graduate ito ay ganun ang magiging setup ng dalawa.

Ibinalik ni Suadela ang tingin sa second floor. Nandoon na sila Sen at Sil. Nag-uusap ang tatlo. Napangiti siya habang nakatingin sa mga ito. Pareho-parehong magagandang lalaki at walang tapon pero si Luan Kho ang pinakagwapo. Periodt.

"Ang gwapo rin ni Sen 'no?" komento ni Janis habang nakatingin sa second floor. "Ganda pa ng height. Nambabalibag." At bumungisngis.

"Akala ko ba si Sil ang crush mo?" baling ni Suadela dito.

"Ekis na siya," natatawang sabi ni Janis. "Crush yan ng kambal mo e. Anong laban ko don?"

Suadela frowned. How did Janis know about it?

"Huy, sino yan?" Nea asked out of nowhere.

Nang tignan ni Suadela ang tinitignan nito ay nakita niya ang isang babae na kausap ni Luan. Sobrang lapit nito sa lalaki habang nakatingala at may sinasabi.

Naningkit ang mga mata ni Suadela. Halatang lower year ang babae. Isa siguro sa mga estudyante ni Professor Millare na nagpapa-cute kay Luan.

Bumaling sakanya si Janis, "Kung hindi pa kayo, anong label ninyo?"

"Hindi ko alam, wala pa..." sagot ni Suadela binalingan din si Janis.

"Gaga," Nea elbowed her, "nagpadilig ka ng walang label?"

Suadela bit her lower lip. She remembered the night she cried and something happened between Luan and her. "Once lang naman."

"Makiri. If I know, inaabangan mo yung sequel!" pinandilatan siya ng mga mata ni Nea.

Janis tsked.

Suadela didn't answer.

Thinking now, there was no penetration that happened that night, so probably it wasn't counted at all. After that day, nothing happens between them even though she occasionally sleeps over to his apartment. Luan always sees to it that they won't go overboard than kissing and hugging .

S U A D E L ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon