*NAOMI's Pov*
"Hi need a ride?" paglabas ko palang ng ospital eh nakita ko na si d.o na nakasandal sa kotse nya
"hindi"
"papunta din kasi ako sainyo, andun kasi ulit si moirah, so please sumabay ka na sakin" pagpupumilit padin nia, kahapon pagdalaw nila dun hindi ko na nga sya kinibo eh, kaya umalis nalang. Pero matigas padin talaga sya! Eto nanaman at talagang pinuntahan pa ko dito sa ospital!
"hindi pa ako uuwi sa bahay"
"ihahatid nalang kita kung san ka man pupunta"
"bakit ba ang kulit mo ha d.o?!"
"i wanted to talk to you"
"di ba sinabi ko na sayo? wala na tayong dapat pag usapan"
"alam mo sa sarili mong meron"
"pwede ba d.o wag kang gumawa ng eksena dito! Mamaya may makakilala sayo mapahamak ka pa eh!"
"can we start over?"
"hindi"
"but why the hell not?! You love me and-"
"stop right there d.o, hindi na kita mahal. At kung ano man yung nangyari satin non, dapat mo ng kalimutan! Isang malaking pagkakamali lang iyon!" sabi ko tapos dali dali akong tumakbo at sumakay sa tricycle
masakit din naman para sakin ang iwasan sya, pero wala naman akong magagwa, takot ako eh. Ayoko ng masaktan ulit, tsaka alam ko naman na hindi kami bagay. At baka nga hindi totoong mahal nya ko eh. Tawagin nyo na akong duwag, pero hindi na magbabago ang isip ko
pinunasan ko nalang yung luhang diko namalayang tumulo na pala, naisipan ko nalang din na dumiretso nalang muna kila jayleanne dahil baka makita ko lang din si d.o sa bahay dahil andun ang kapatid nya
"jay, asan mama mo? Di ko ata nakita" tanong ko pagkabukas nya ng pinto
"nasa palengke, lika pasok ka, dun nalang tayo sa kwarto"
"nagresign ka pala, pero bakit?" tanong ko pagkaupo ko sa kama nya, mukha pa nga syang matamlay eh
"kinukuha kasi ako ng tita ko sa italy" sabi nya, teary eye pa nga eh, tapos niyakap nya ko bigla "mamimiss kita bespren" sabi nya at suminghot pa
"bakit ka aalis jay? Diba sabi mo dimo iiwan ang mama mo?" sabi ko habang hinahaplos yung likod nya, at naiiyak nanaman ako ulit
"oo, pero kailangan eh, tsaka tatlong taon lang naman, babalik din ako kapag nahanap ko na yung sarili ko" suminghot ulit sya pagkasabi nya nyan
"bakit bespren? Nawawala ka ba?" biro ko, humiwalay naman na sya nun sa pagkakayakap sakin tsaka hinila yung buhok ko "Aray naman!" reklamo ko
"sira ulo ka pala eh!"
"oo mana ko sayo eh"
"ewan ko sayo tss, *sigh* naomi?"
"hm?"
"hihintayin mo pabang mamatay si d.o bago mo amining mahal mo parin sya?"
"patayin mo muna para malaman mo ang sagot sa tanong mo"
"seryoso ako bruha ka!"
"seryoso din naman ako"
"ok na ang pamilya mo, bumalik na ang tatay mo. Ang kulang nalang ayusin mo ang sarili mo"
"alam mo kasi jay. Matagal ng maayos ang sarili ko. Nagulo lang nung nakilala ko sya" iritadong sagot ko. Tsk basta kasi yung lalaking yun ang usapan umiinit talaga ang ulo ko eh!

BINABASA MO ANG
Exo Series #1 *Do Kyungsoo*When KARMA get even (Completed)
PoetryA story of guy and a gal who believe that love can always lead us to disappoinment. They are living peacefully and happily by their own but suddenly. when KARMA stikes! DESTINY lead them to be together so that, CUPID was given a chance to play with...