Chapter 1 *The Simple Life of the Responsible Angel*

513 36 1
                                    

"hoy! Naomi Gabuco! Umaga na neng! Aba! Tulog pa ata yang diwa mo, lukaret ka, Tulala ka nanaman! Haha sabagay di naman kita masisisi night shift tayo eh. Pero iba ang aura mo ngayon te. Daig mo pa ang naluging intsik" napatingin nalang ako kay Jayleanne nung bigla nya akong tinapik tapik sa braso

Si jayleanne ay bestfriend ko, sabay kaming lumaki, at sabay din namin tinupad ang pangarap namin. Ang maging isang nurse

"minamalas ata ako ngayon eh, sunod sunod kasi ang problema sis, kelan lang nung sinugod si jhoana sa ospital, tapos gagraduate pa si tintin nyan ang mahal ng graduation fee, pang tuition pa ni steven. At eto pa may sakit si nanay, hindi ko na alam kung papano malulusutan tong mga problemang to" napabuntong hininga nalang ako habang tinitingnan yung maliit na envelop na hawak ko, hindi ko kasi alam kung pano ko pagkakasyahin tong sahod ko sa dami ng gastusin namin, idagdag pang napondohan kame ng utang, pambayad pa sa bahay, kuryente at tubig

"eto sis oh, kunin mo muna, bayaran mu nalang kapag nakaluwag luwag kana" napalingon ako sakanya, nakita kong inaabot nya sakin yung 5 thousand nya "uy, kunin mo na! Di na uso ang hiya ngayon bruha!" kinuha nya yung kamay ko at pilit pinahawak sakin yung pera "mas kailangan mo yan ngayon Naomi" kinapalan ko nalang ang mukha ko at tinanggap iyon

"Salamat jay, babayaran kita agad kapag nakaluwag luwag na ako promise" ngumiti ako tsaka ko sya niyakap, sobrang swerte ko talaga na nakatagpo ako ng kaibigan na ganito.

"what are friends for kung pababayaan kita di ba? Tayong dalawa na nga lang ang mag besfriend hindi pa ba kita dadamayan? Atleast kapag nasayo ang pera ko, diko magagastos sa wala diba? Kunwari nalang ikaw ang bangko ko" sabi nya tapos niyakap din ako.

"Oh sya mauna na ko ha? May date pa kami ng jowa ko eh, bye sis!"

"kaya naman pala blooming ka lately! May bago ka nanaman palang fafa di mo manlang pinakilala!"

"Baka kasi mapurnada sis. Alam mo na, beauty ka din, baka maakit mo o kaya baka mainlove ka sakanya. Baka makalbo pa kita, sayang friendship diba? Singkit pa naman yun"

"Gaga! Hindi naman porke singkit type ko na! Nagagwapuhan lang ako! Tsaka wala akong pake sa mga lalake no. parang di mo naman ako kilala sis!"

"Ay, oo nga pala! Muntik ko ng nakalimutang balak mong mamatay ng birhen. Tsk kawawa ka sis ayaw mong tumikhim ng biyaya ng langit" iiling iling pang sabi nya kaya kinurot ko nalang sya "aray naman Naomi Gabuco! Napaka sadista talaga nito"

"eh ikaw naman kasi Miss Jayleanne Gomez. Ang Ganda ng choice of words mo ah? Mamatay na birhen at biyaya ng langit talaga?"

"Totoo naman ah! Kita mo nga at sa dalawamput isang taon mong pamumuhay sa mundong ibabaw ni wala kapa ding nagiging jowa! aba ineng, ipapa alala ko lang sayo, tatanda ka nanaman nyan. Malapit na ang birthday mo day mag bebente dos kana pero ni wala ka pang first kiss!"

"sShH! Wag ka ngang maingay bruha ka! Di mo naman kailangang ipagsigawan! Para namang ikaw masyadong makaranasan!" Baliw talaga tong babaeng to, pinang titinginan tuloy kami ng mga dumadaan sa lakas ng boses nya, kung di ko lang talaga sya besfriend matagal ko na tong ibinaon ng buhay sa sobrang kaingayan tsk

"Abat! Kumpara naman sayo ay talagang oo. May perskiss na ko day! Madami nadin akong nakadate! Madami nadin akong naging jowa! Di gaya mo oh ayan! Tutuk na tutok lang sa pamilya. Bruha ka! Maglaan ka naman ng oras para sa kaligayahan mo!"

"Masaya naman ako sa ginagawa ko ah? Tsaka diko kailangan ng lovelife kontento na ako na andyan kayo at alam ko na mahal nyo ko at di iiwan"

"Sis, hindi lahat ng lalaki kagaya ng tatay nating nang aabandona at walang kwenta! Wag ka namang mawalan ng pag asa, isipin mo nga, pano ka nalang pag tumanda ka na? Walang mag aalaga sayo kung wala kang anak"

Exo Series #1  *Do Kyungsoo*When KARMA get even (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon