Chapter 15 *He's A Kidnaper! :D*

133 10 0
                                    

*NAOMI's Pov*


its been a week magmula nung huling mag usap kami ni d.o pero hanggang ngayon sariwa padin sakin yun. Haaaaaay pag ibig nga naman. Love is like heaven but it hurts like hell tsk, napailing nalang tuloy ako,


"hai! Sorry medyo nalate ako. Ang kulit kasi nila jho. Eh Haha"


"ano ba yan steven antagal tagal mo naman! Inamag nako dito kakahintay eh" sabi ko tapos bumusangot, tumawa lang naman sya, kinurot ko tuloy


"sorry na nga eh!"


"Haha. Kuh pasalamat ka at cute ka. At ang pogi mo lalo ngayon! Hmmmm!" kako tapos pinangigilan yung pisngi nya "ang cute cute talaga ng baby ko! Haha"


"aw. Hindi na ko ba-"


"Hihiramin ko muna si naomi mamaya na kayo maglandian" nagulat kaming pareho sa biglang pagsulpot na yon ni d.o, at nakakatakot nanaman yung klase ng pananalita nya! Mas cold pa sa yelo eh >_< Pero pogi padin sya parang pumayat nga lang? Tss


At di pa ko nakakabawi sa unang pagkagulat ko sa bigla nyang pagdating nung nagulat nalang nanaman ako nung hinila nya ako, hindi na nga din ako nakapagprotesta eh, namalayan ko nalang na nasa kotse na nya ako at umaandar na


"san tayo pupunta?!"


*no response*


"Bakit mo ko bigla nalang hinila! Kidnapping to ah!"


*no response*


"punyeta naman d.o magsalita ka nga! Ano bang problema mo!"


"shut up!"


"Ang kapal din ng mukha mo no! Basta mo nalang akong hinahablot tapos ikaw pa tong galit!"


"sorry"


"dyan ka naman magaling eh! Sa pagsosorry! Nababaliw ka na ba ha? Anong kalokohan ba to ha?"


Binungangaan ko sya ng binungangaan pero ang nakakainis pa hindi na sya sumasagot ulit, aba nakakainis na talaga to ah! "ANONG GINAGAWA NATIN DITO?!" tanong ko pag karating namin sa bahay nila, nakapasok na kami at nandito na sa may garahe "ano na?! Hindi ka parin ba-" naputol ang kung ano mang sasabihin ko when he shut me up with his lips, a passionate kiss hanggang sa namalayan ko nalang ulit na tumutugon na pala ako. Pareho pa kaming naghahabol ng hininga after the eart shattering kiss


"ang ingay mo! Basag na nga ata ang eardrum ko eh, nakalunok ka ba ng megaphone? Tss" sita nya sakin habang hinihingal pa, ako naman hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil nakakalasing at nakaka adik talaga ang halik nya, pero isa lang ang inaantay ko, ang paghingi nya nanaman ng SORRY -_- pero wala akong narinig, napatanga nalang nga ako nung lumabas sya.


Bababa na din sana ako nung binuksan nya yung pinto ng kotse sa side ko tsaka ako binuhat! Hindi yung bridal style ha? Kundi isinampay nya ako sa balikat nya na parang isang sakong bigas lang! Tss

Exo Series #1  *Do Kyungsoo*When KARMA get even (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon