*NAOMI's Pov*
"ate! Hatid na kita" presinta ni steve nung papasok na ako sa trabaho, kumuha kasi kami ng tricycle galing dun sa perang binigay ni tita quincy para may magamit pang service
"para san? Para makapagpapansin nanaman kay jay? Haha tumigil tigil ka ngang bata ka!
"eh hindi naman ako ganon kabata eh"
"bente ka palang! Haha wag ka ngang umastang 30! Sus naku eto!"
"wala namang pinipiling edad kapag nagmahal ka eh"
"ewan ko nga sayo! Haha sige! tara na hatid mo na ako. Pero may bad news ako sayo ha? Hindi natin makakasabay si jay dahil sinundo ng boypren nya"
"haist! Kasama nanaman nya yung kwagong yun? Bulag ata yung kaibigan mong yun ate eh. Di hamak namang mas gwapo ako sa mga nagiging syota nya pero di nya ko mapansin"
"bata ka nga kasi!"
"maka bata ka naman para naman akong 10 years old! Samantalang mas matangkad pa nga ako sainyo"
"change topic please"
"haha. Ate talaga! Di mo tanggap na pandakekok ka? *grin* Tara na nga baka ma late ka, kasalanan ko pa"
tumawa nalang ako tapos nagpa alam kila nanay bago umalis, magaan na talaga ang pakiramdam ko magmula nung nakausap ko si jay nung nakaraang linggo, parang diko na nga din naaalala masyado yung pogi kong amo, hindi gaya nung una na halos gabi gabi kong iyakan
"oh, ingat sa pag uwi steeve ha? Hinay hinay sa pag dadrive" paalala ko pagbaba ko nung nakarating na kami sa ospital
"oo naman ate, ayoko pang mamatay no, diko pa napapasagot si jay eh" sabi nya sabay kindat, haha loko talaga tong mokong na to
"Haha sus! sige na babye na nga at bago ko pa maisipang ipasok ka sa mental!" kako tapos lumapit sakanya para bumulong "at isa pa pinagtitinginan ka nanaman kasi dito, delikado at baka mapag interesan ka ng kung sino at itanan ka, naku mas mawawalan ka ng pag asa" biro ko tsaka kumindat din, natawa nalang naman sya, tiningnan ko pa muna syang makalayo bago pumasok
pero may bigla akong napansing kotse na nakaparada sa di kalayuan, bigla namang bumilis yung tibok ng puso ko nung nag tama yung tingin namin nung lalaki sa sasakyan kaya nagmamadali akong pumasok sa loob, Thats impossible! Argh!
"aw, naomi ano ka ba! Bakit ka ba natataranta?" sabi ni aina kasamahan kong nurse, nabangga ko kasi sya dahil nawawala nanaman ata ako sa sarili
"ah wala p-pasensya na"
"Oh teka namumutla ka ah, ok ka lang ba? May nangyari ba sayo? May sakit ka ba?"
"ah w-wala, ok lang ako, sorry talaga aina ha?"
BINABASA MO ANG
Exo Series #1 *Do Kyungsoo*When KARMA get even (Completed)
PuisiA story of guy and a gal who believe that love can always lead us to disappoinment. They are living peacefully and happily by their own but suddenly. when KARMA stikes! DESTINY lead them to be together so that, CUPID was given a chance to play with...