Chapter 4

51 0 0
                                    

Sabay silang lumingon ng binuksan ko ang pinto.

"Anong nangyayari sa inyo, bakit para kayung nakakita ng multo. Ang ganda ko naman para maging multo."

"Ay! ma'am nandyan na pala kayo. Kanina ka pa hinahanap ng mama mo. Halos pumunta na sa police station." sabi ni May na sumusunod sa akin.

"Bakit daw?"

"Anong bakit? Ma'am kung alam mulang na halos magkagulo kami at muntik ng masisanti si Mang Alfred dahil hinayaan ka lang niya."

"Saan ka ba talaga galing Alexia? Sabi ng driver niyo bumaba ka daw sa mall. Anong ginawa mo dun? Alam mo naman na ayaw ng mama mo na lumabas kang mag-isa." dagdag ni May.

Kung napansin niyo hindi niya ako tinawag na ma'am kasi pag kami lang dalawa sinabihan ko na siya na dapat Alexia lang ang tawag niya sa akin. Hindi na siya iba sa akin dahil matagal na siya sa amin. Pinasama siya ng mangibang bansa kami.

"Ang o.a. May."

"O.a. talaga ang mama mo at alam mo iyon".

"Haha. Sasabihin ko iyon kay mama na oa siya. Ahaha. At ikaw ang nagsabi. Lagot ka nun."

"Ikaw ang lagot Alexia pagdumating na ang mama mo. Maghanda ka na ng magandang rason at..."

Hindi natapos ni May gusto niyang sabihin dahil sa biglang pagbukas ng pinto ng kwarto ko.

"ALEXIA SAN KA BA NANGGALING?"

"Ma, relax. I' m alredy here."

"Alexia alam mo namang hindi ka pwedeng lumabas mag-isa". Sabay yakap niya sa akin.

"Pa'no kung may nangyari sa'yo? Kung nakakilala at..at.."

"At ano ma?" Putol ko sa kanya.

"Nothing. Huwag mo na lng ulit gawin yun".

Lumabas si mama na parang galit at kinakabahan.

Naguguluhan na naman ako. Bakit parang may tinatago sila sa akin. Sino yung babae na nabangga ko. Bakit kilala niya ako, pati si Laureen kilala niya rin.

"Lalabas na ako Alexia." Naputol ang pag iisip ko.

"May may alam ka ba?"

"Wala Alexia" daling sabi ni May na hindi tumitingin sa akin.

"May, alam kong meron. Hindi dahil anak ako ng isang Reed kaya nagkakaganyan si mama."

"Wala akong alam Alexia. Huwag mo nalang isipin yun, baka nag alala lang talaga si ma'am sa iyo."

"Alam kong meron May." Pagkatapos kong sabihin yun ay pumasok na ako sa banyo.

Maaga akong pumasok kinabukasan.

"Good morning ma'am"

"Good morning ma'am Alexia"

Lahat ng empleyado na nakasalubong ko ay binabati ako. Kahit alam nilang hindi ko sila sasagutin. Maswerte na kung tatanguan ko sila.

Si Laureen lang dito sa office ang may special treatment pati na rin si May sa bahay. Pero kung nasa harap kami ng maraming tao hindi nila pinapakita yun.

*ting*

Lumabas na ko sa elevator.

"Good morning ma'am."

Sumunod si Laureen sa akin. Every morning naming ginagawa 'to. First thing in the morning para e update ako sa schedule ko sa araw.

"How's your dinner with Mr. Sy, Laureen?"

"I already have the signed contract ma'am."

"Good"

Pinaalam na niya sa akin ang schedule ko para sa araw na ito.

"Ma'am the applicants will be here later."

"What time?"

"9:00 am"

"Please do the interview Laureen. I have something important to do."

"Sure?"

Alam kong nagtataka siya dahil alam niyang mabusisi ako sa mga taong pinapasok dito para magtrabaho. Pero alam na man niya ang mga gusto ko kaya kukunin niya ang best sa lahat.

"Yes."

"And Laureen may hindi ka ba sinasabi sa akin?"

"A..a.anong ibig mong sabahin? Tungkol ba sa nangyari kahapon sa dinner?"

"Hindi."

"O edi ano?"

"Laureen may nakilala ako kagabi na babae sa mall. Kilala niya ako at pati na din ikaw."

Sinadya ko talagang putulin para kusa siyang magsabi.

"Si.si.s.sino?"

"Laureen alam kong may hindi ka sinasabi. Mag stu- stutter kalang pag may inililihim ka."

"Wala noh."

"Laureen"

"Sige na Alexia may iinterviewhin pa ako."

"Hindi pa tayo tapos Laureen."

"Alexia please. Sa susunod huwag ka ng pumunta dong mag isa."

"Para kanang si mama."

The Amnesic CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon