Hindi ko nalang inisip ang tungkol sa mga photo albums na gusto kong makita.
Dumaan ang ilang linggo na wala akong sagot na nahanap. Halos kinalimutan ko na din.
Siguro dahil bored lang ako nung panahon na iyon. Nawaksi na din sa aking isip sa dami ng ginagawa namin sa company para sa mga hotels namin.
Baka iniisip niyo bakit may kompanya pa na hotel naman ang negosyo namin?
Pwes sasagutin ko kayo. Kagustuhan ni papa. Dito sa opisina minomonitor ang lahat ng mga hotels. Dito ginagawa ang pagpaplano, presentations at kahit ano pa tungkol at para sa hotels namin. Kahit ang pag hire ng mga tao ay dito din ginaganap. May mga taong nakatalaga sa bawat hotel na mag rereport dito sa akin. Minsan ako ang pumupunta dun.
"Laureen, any update about the on-going hotel in Batangas?"
"Yes ma'am. We visited the site last week. May malaki na pong improvement. Ang bilis po nila."
"That's good. Wait, did you say WE?"
Yumuko siya at tumango.
"Are you okay Laureen? Namumula ka, may lagnat ka ba?"
"Wala po."
"Are you sure?"
"Yes po." Sagot niya na hindi pa rin tumitingin.
"Okay. So sinong kasama mo na pumunta doon?"
At mas lalo pa siyang pumula. Alam ko na, she's blushing. Hahaha may idea na ako kung sinong kasama niya
"No need to answer that question Laureen, alam ko na."
"Alexia nagkita lang kami dun. Hindi ko alam na pupunta pala siya. Ang alam ko dapat may meeting siya sa araw na yun. Hindi ko alam ba't pumunta pa ang intsik na iyon.(excuse po sa mga insik na nagbabasa.peace)"
"Instik? Pero mahal mo naman haha..huwag ka ng tumanggi Laureen halata eh." Mabuti pa tong kaibigan ko lumalablife.
"Huh?hindi noh!"
"Huwag ng tumanggi. Halata masyado."
Hindi na siya sumagot at nagblush nalang.
"Laureen?"mahina kong tawag sa kanya
"Bakit?"nagtaas siya ng tingin dahil na rin siguro sa tono na ginamit ko. Parang nalulungkot.
"Bakit hindi ko matandaan na naging kayo at paano kayo nagkahiwalay? Kung hindi ka lang halata at hindi ko narinig sa ibang empleyado tugkol sa inyo hindi ko malalaman."
"Huh?ahh kasi..."
"Akala ko ba friends tayo. Bakit hindi ko alam to."
"Ahh kasi hindi pa tayo friends nun. Yun hindi pa tayo friends. Tama."
"Huh?"ako naman ang napa huh sa sinabi ni Laureen
"Akala ko ba matagal na tayong magkaibigan?"patuloy ko
"Ahh oo nga pala. Ahmm. Ahh oo. Wala ka dito nun. Nasa ibang bansa ka pa."
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"
"Kassssiiiii. Nahihiya ako."
"Bakit kayo nagkahiwalay?"
Matagal siya bago sumagot. Siguro nasaktan talaga to.
"Huwag na nating pagusapan yun Alexia. Past is past."
"Are you sure? Maybe I can help."
"No Alexia. Tapos nà iyon."
"Laureen I know you're still holding on. You can fool others but not me. Araw -araw kitang nakikita na hawak ang isang picture frame pag hindi ka busy at sa akalang hindi ako nakatingin."
"Alexia!"parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
"Anong nangyari Laureen? Minsan nakikita kitang nakatingin sa malayo. Kaibigan mo ako Laureen pwede mong sabihin sa akin ang problema."
"SSSTOP IT ALEXIA! Wala na yun. Huwag mo ng ungkatin pa."
"Laureen" nabigla ako dahil halos sumigaw siya at pagkatapos humagulhol na siya ng iyak.
"Please drop this conversation Alexia. Tapos na kami. Hindi na mababago ang mga nangyari. Marami ang nasaktan dahil iniisip niya lang ang sarili niya."
"Hindi ko maintindihan"
"No. Don't overthink on what is happening Alexia. We ended or relationship because it was the right thing to do."
"Why?"
"Alexia please stop it."yumakap siya sa akin at agad pinahiran ang kanyang luha.
Lumabas siya ng opisina na hindi lumilingon.
Agad siyang naupo at nakatingin na naman siya sa malayo. Gumagalaw ang balikat niya. Alam kong pinapahiran niya ang luha. Mabuti nalang at kami lang dalawa dito sa floor na ito.
Ano ba ang nangyari. Bakit nasasaktan siya na hindi ko alam. Anong klaseng kaibigan ba ako? Hindi ko man lang alam at hindi ko siya nadamayan.
Alam kong nasasaktn pa rin siya.
Ito na naman ako sa mga tanong na hindi masagot-sagot.
At isa lang ang nasa isip ko na makasagot nito.
Maaga akong lumabas sa opisina dahil may gusto akong puntahan.
Sana makita ko sila.
BINABASA MO ANG
The Amnesic CEO
Ficción GeneralMinsan mas gusto nating limutin ang nakaraan na masasakit. Nakaraang humubog sa ating pagkatao. Meet Alexia Zhea Reed, nagiisang anak nang kilalang businessman sa boung mundo. Owner of very known five star hotels around the globe. Maldita, strict...