Chapter 3

51 1 0
                                    


Dedicated to kay Fhatee23
Siya ang una at tanging nagvote sa story na to. Thank you po!

Hindi ko na pinansin kung may nakasunod man sa akin na bodyguard o wala.

Gusto ko lang namang makita ang loob nito at makakita ng ibang tao. Hindi ko naman sinasabi na wala akong taong nakikita araw- araw nandyan naman ang mga empleyado ko.

Pero iba pa din 'yong feeling na parang walang nakakilala sa iyo na boss kanila. Iyong feeling na may kanya-kanya kayong mundo. Iyong pantay ka sa mga tao at hindi nila iniisip na anumang oras ay magagalit ka sa kanila.

Si Laureen lang naman ang tanging tao sa opisina na parang close sa akin. Na kahit pinapagalitan siya ay nakakahanap pa rin ng paraan na ipaalala sa akin na tao at kaibigan ko siya.

Ang iba yumuyuko lang pagkatapos masabihan. Kahit hindi ko gusto iyon kailangan ko pa ding gawin.

"Ay, sorry ms." Alalang sambit ng babae sa akin.

"Okay lang. Kasalanan ko din." Para kasi akong wala sa sarili. Sa isip ko.

"Ms. okay ka lang?" Hindi lang pala ako ang wala sa sarili dahil siya nakatunganga nalang sa akin.

"Ms. , ms" niyogyog ko na siya.

"Zhe?"

"Ms. Okay ka lang?"

"Zhea" sambit niya sabay yakap sa akin.

Ako naman ang natulala. Sino itong babae yumayakap sa akin? Bakit niya ako kilala? Bakit Zhea ang tawag niya sa akin.? Maraming tanong gumugulo sa akin ngayon.

"Sorry Zhea miss na miss lang talaga kita. Kailan ka lang nakauwi?"

"Huh? Ahh last month lang."

"Bakit hindi ka tumawag sa amin? Hindi ka na nga nagsabi na pupunta ka sa ibang bansa ngayon wala ka namang pasabi na nakauwi  ka na pala."

"Ah, pasensya na busy lang ako sa trabaho."

"Oo nga pala ikaw na ang namahala sa business niyo."

"Ahh oo" naguguluhan pa din ako. Bakit parang kilalang kilala niya ako.

"Si Laureen ang nagbalita sa amin noon na umalis ka pero hindi naman niya sinabi na bumalik ka na pala."

"Kilala mo si Laureen?"

"Zhe naman, of course kilala ko si Laureen."

"Wait. Late na ako. Gusto mong sumama? Magkikita kasi kami ngayon nila Monique. Siguro pag-uusapan namin ang nalalapit na out of town namin. Sama ka ha..."

"Ha? Sige sa sunod nalang. Bye"

Hindi ko na siya pinatapos at agad akong umalis. Ang gulo na ng isip ko. Agad akong pumara ng taxi at sinabi ang address ng bahay pagkaupo ko.


The Amnesic CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon