Bakit ba takot silang makita ako ng ibang tao.?May lihim ba sila sa akin.?
"Laureen, uwi na ako. Make sure you're in the restaurant before the time. Don't be late. Mr. Sy holds the contract for our next project. We need him so we can start this, okay."
"Alexia please. Ikaw nalang magpakita sa kanya"
"Why?"
"Baka magalit siya at hindi niya permahan ang kontrata"
"Laureen hindi siya magagalit kung maaga kang pumunta dun. At isa pa, bakit siya magagalit sa iyo wala ka namang ginagawa di ba or should I say gagawin di ba?"
Alam kong naguguluhan na si Laureen. Mukha pa lang alam ko hindi pa siya naka move on.
"Make sure Mr. Sy will sign the contract Laureen. Bye"
"Wait, saan ka pupunta?"
"Uuwi. Di ba sabi ko uuwi na ako."
"Tawagan ko lang driver mo."
"Tinawagan ko na Laureen. Don't worry uuwi ako sa bahay hindi ako pupunta kahit saan."
"Sure yan Alexia ha. Diretso uwi"
"Opo mommy."
Hindi ko talaga alam kong bakit sila ganito.
Ngunit hindi ko nalang binigyan ng pansin marahil ay nag alala lang sila sa seguridad ko.
Habang tinatahak namin ang daan pauwi, napadaan kami sa mall. Simula ng umuwi ako ay hindi pa ako nakapamasyal. Ayaw ni mommy mag isa akong pumunta. Kaya susulitin ko na to, maaga pa naman.
"Ihinto mo sa gilid. May bibilhin lang ako sandali."
"Pero ma'am hindi po pwede."
"Sinong may sabi? May nakalagay ba dyan na bawal akong pumasok?"
"Eh, kasi ma'am sabi po ng mama niyo na dapat sa bahay ka deretso."
"Sundin mo ang sinasabi ko kung ayaw mong mawalan ng trabaho."
Wala ng nagawa ang driver kundi ihinto ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
The Amnesic CEO
Ficción GeneralMinsan mas gusto nating limutin ang nakaraan na masasakit. Nakaraang humubog sa ating pagkatao. Meet Alexia Zhea Reed, nagiisang anak nang kilalang businessman sa boung mundo. Owner of very known five star hotels around the globe. Maldita, strict...