Chapter 6

37 0 0
                                    

ALEXIA POV

Natapos ang linggo na hindi ko natanong si Laureen tungkol sa nakita namin sa Greenwhich.

Parang kilala nila ako. Magaan ang pakiramdam ko sa kanila.

Pero paano naman yun mangyayari kung sa ibang bansa ako lumaki. Bata pa ako umalis na kami sa Pilipinas. Iyon ang sabi ni mama at iyon lang din ang naalala ko.

Hindi ko pa kailanman sila nakasalamuha.

Pero alam mo iyong feeling na magaan at parang masarap sila kasama.

Habang kumakain kami panay ang tingin nila sa akin. Parang may gusto silang sabihin sa akin.

*tok.tok.tok*

"Are you ready to go Alexia?"

"Yes. Just give me a minute."

"Okay"

Ngayon ang araw na sisimulan namin ang hotel na pinapatayo namin dun sa Batangas.

Marami na din kaming hotels kahit saang bansa. Kilala ang REEDS Hotel kahit saan ka man sa mundo at kahit sino ang tatanungin mo.

"Let's go Laureen."

"Okay ma'am."

Huminto kami sa lugar na medyo mataas at kitang kita ang magandang lake na nakakabighani sa lahat.

Nagsisimula na ang lahat sa kani- kanilang mga trabaho.

"Good morning Ms. Reed. I'm Engr. Raffy Velazco"

"Good morning Engr. ,Alexia Zhea Reed" pakilala ko sa kanya at inilahad ang aking kamay para makipagkamay sa kanya.

"I know. I know."

Akala ko wala na siyang sasabihin pero ng magsimula akong maglakad ay nagsalita siya.

"Hindi ka pa rin nagbabago."

"Did you say something Engr.?"

"Oh. Nothing ma'am."

Naglakad nalang ako patungo sa main site. Kung saan sila nagsisimula.

Habang naglalakad may nakita akong napakalaking tarp na nagpapakita sa larawan ng hotel. Binasa ko ang mga nakasulat dun at napako ang atensyon ko sa nakasulat...

ANGELES- JPAZhea Construction Group ang Firm

"Bakit parang narinig ko na ang Angeles.?"tanong ko sa sarili

"Are you okay ma'am Alexia?"

"Laureen akala ko ba Angeles ang kinuha natin para sa project na ito. Bakit iba ang nakasulat dyan?"

"Pareho lang po sila ma'am. Ang nakasulat dyan ay ang firm na pagmamay-ari ng anak nila."

"But we signed for the Angeles not that one."

"Ma'am siya din ang namamahala ng kompanyang iyan. Siguro gusto lang niyang tutukan ng mabuti at para makilala na din ang kanyang sariling firm."

"Okay. Bakit parang marami kang alam Laureen. Gusto mo ang may-ari nito?haha. Paano na si Mr. Sy?"

"Ma'am ang Angeles po ang kinukuha ng kompanya niyo pag may ipinapagawa kayo. Dito o sa labas ng bansa man."

"Ahh. Okay. Babae ba ang may -ari nito?"

"Hindi po."

Makalipas ang ilang oras bumalik na kami sa opisina dahil medyo mainit na at nakikita ko naman na maayos ang pamamahala ng nakatalaga doon.

"Ma'am Alexia gusto mo na bang kumain muna tayo bago tumuloy sa opisina?"

"Sige Laureen, sabihin mo nalang sa driver kung saan mo gusto o pag may makita kang kainan diyan."

The Amnesic CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon