Chapter 9

34 0 0
                                    

LAUREENS POV

Hindi ko lubos maisip na darating ang araw na to.

Hindi ko kayang sabihin sa kanya kung ano talaga ang nangyayri dahil ayoko ng balikan ang sakit ng nakaraan.

Ayokong masaktan na naman si Alexia. Mahirap ang napagdaanan niya kaya nangyari yun sa kanya.

Gagawin namin ang lahat para itago ang lahat sa kanya. Pero ang tadhana na talaga ang nagpatagpo sa kanila. May duda na ako kung sino ang nakita niya noon. Sana hindi ito magpakitang muli kay Alexia. Hindi pa to ang tamang panahon.

Kahit masakit, kahit mahirap gagawin ko to para sa kanya. Siya ang tanging tao na itinuring akong kapatid.

"Bata why are you crying?"

Natigil ako sa pagiyak dahil sa tanong na iyon.

Nasa isang park ako ngayon.

"Wala kang pakialam!"

"Hala. I'm not here to make away to you."nakabusangot niyang sabi.

"Ang o.a mo namang magsalita."

"Bakit mo ako inaaway?"nagsimula na siyang umiyak.

"Hoy! Hindi kita inaaway."

"Bakit ka sumisigaw?"

"Aiesh..huwag ka na nga dito."

"Umiiyak ka kasi at nagiisa. Gusto mo ng kausap?"

Sasagot na sana ako pero may tumawag sa kanya na nakaitim na mga lalaki.

Nakakatakot sila. Malalaki sila,ang suot nila ay puro itim at may hawak silang parang telepono.

"We need to go ma'am." Sabi ng isa

"Sinong ma'am. Hoy kung sino man kayo hindi kami sasama sa inyo. Balak niyo bang ibenta kami?huh."

Tumingin lang sila sa akin na para lang akong isang batang paslit.

Nakitang kong lumapit si Alexia sa kanila kaya hinigit ko siya sa kanila.

"Huwag kang sumama sa kanila. Baka masama silang tao."

"Ma'am halika na po."

"Hahaha. Hindi sila masamang tao. Sila ang mga tao na nagbabantay sa akin."

"Huh?bat nakabantay sila sa'yo?"

"Dahil kailangan. Iyon ang gusto ng mama ko."

"Buti ka pa."

"Bakit?"

"Ahh wala, wala.sige" at mabilis akong tumakbo.

"Byeeeeeeeeee"narinig ko pang sigaw niya.

Naputol ang pag-iisip ko ng magvibrate ang cellphone ko sa loob ng aking bag. Naramdaman ko ito dahil nasa likod ko lang ito.

"Hello?"

"Hello Laureen" napatingin ako sa phone kong hawak. Hindi ko kilala ang number na nakatatak pero kilala ko ang boses ng tumawag.

"Sino to?"tanong ko kahit alam ko na ang sagot.

"Jacob"

Hindi na ako sumagot. Pareho kaming naghintay kung sino ang unang magsasalita.

"Laureen nakita ko siya."

"Sino?"

"Si Zhea, Laureen. Nakita ko siya!"

"JACOB!"

"Matagal kong hinintay to. Alam niyo yun. Tulungan mo ako Laureen alam kong malapit kayo sa isa't isa."

"Hindi. Alam mo ang nangyari Jacob. Layuan mo na siya. Huwag mo ng ipaalala sa kanya."taranta kong sagot sa kanya.

"Laureen please."

"No Jacob. Hindi pwede."

"Pupunta ako diyan Laureen. Hindi mo ako mapipigilan. Matagal niyo na itong pinagkait sa akin. Maawa kayo."

"Maawa?alam mo ba kung anong nagyari? Alam mo ba ang sinasabi mo?" Halos sumigaw na ako

"HINDI KO ALAM DAHIL IPINAGKAIT NIYO YUN SA AKIN!"

"Ipinagkait? Ikaw ang may gawa nito Jacob dahil sarili mo lang ang iniintindi mo!"

"Wala kang alam sa nangyari Laureen" mahinahon niyang sagot.

"Wala ka ding alam sa nangyari sa kanya!"

"Sino yan Laureen? Bakit ka sumisigaw?"

Hindi ko namalayan na lumabas pala siya. Nakalimutan ko na nasa opisina pa ako.

"Ahh. Wala. Kaibigan ko lang."

"Kanina ka pa dyan?"tanong ko sa kanya

"Nope. Ngayon lang. Lalabas ako magkikita kami ni mama."

"Okay. Bye. Magingat ka."

Hindi pa ito ang tamang panahon na magkita sila. Hindi pa namin alam kung naghilom na ba talaga ang sugat ng nakaraan.

Pero paano namin to malalaman kung ang tanging tao na makasasagot nito ay siya mismo ang tumangging alalahanin ito?

Tinapos ko na lahat para makauwi na din ako ng maaga. Sobrang nakakapagod ang araw na ito.

"Haaaaayyyyy!"sumalpak na ako sa couch sabay patong ng paa sa lamesa.

"Siguro kung pupunta dito si Alexia maalala niya ang lahat."

Tiningnan ko ang bawat bahagi ng living room. Maraming nakapaskil na mga larawan. Kasama si Alexia at mga kaibigan ko. Makikita mo na masayang- masaya kami sa bawat larawan.

Hindi ko na napigilang hindi umiyak. Naalala ko na naman ang mga panahon na masaya pa kaming lahat. Kahit mga kaibigan namin ay hindi alam ang nangyari. Tanging alam nila ay lumayo si Alexia para pagtuonan ng pansin ang kanilang negosyo.

Kahit sa kanila ay naging lihim ito.

Unti- unti ko pinahiran ang aking mga luha hanggang umabot ako sa isang sulok kung saan makikita ang larawan ng apat na tao.

Kung pagmasdan mo ito ng mabuti malalaman mo talaga na masaya at kumikinang sa pagmamahal ang kanilang mga mata.

Naka-akbay kay Alexia si Jacob at nakayakap naman sa likuran ko si Derek.

Nasa Ocean Park kami ng kinuha iyang larawan. Gustong-gusto kasi ni Alexia ang mga bagay na may kaugnayan sa tubig. Hilig niya din ang maligo ng dagat o di kaya'y pool. Iyan ang aming libangan noon.

Kumain nalang ako at natulog pagkatapos.

Isa lang ang nasa isip ko hanggang sa aking pagtulog...

Mahal ko pa rin siya pero hindi pwede at ayoko na talaga.




The Amnesic CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon