Author's note: Hello guys! I hope you guys enjoys reading my story. Naisip ko lang na parang mas maganda kung Filipino na language yung gamitin ko sa pagsulat. Mas dama kasi at mas detailed kasi for me.
Thoughts niyo guys? Sabihin niyo lang kung anong prefer niyo.
But here's my sample. This chapter is mostly Filipino words ang mababasa niyo.
Let's go!!
Student council officers had been busy this past few days as they prepare for the year end party.
Today is the day.
"Sana maging successful event 'to. This is the first na student council ang naghandle nito." Sabi ni Sam at umupo sa tabi ni Aliah.
Nasa faculty room sila para sa iba pang gawain na kailangang tapusin bago ang christmas vacation nila.
"Trust them." Maikling tugon ni Aliah.
Ibinaling ni Sam ang tingin niya kay Aliah at pinagmasdan.
"Gets ko na." Sabi niya at saka inalis ang tingin kay Aliah.
"Huh?" Natigilan sa ginagawa niya si Aliah at tumigin kay Sam ng may pagtataka.
"Nakausap ko si Miro, ilang araw na din yun. Hindi pala siya yung Miro na sinasabi nila. Iba nga pala siya kapag kasama mo na." Napayuko si Sam at ngumiti ng mapait.
'Pero hindi ko gets kung anong pinagkaiba niya sakin.'
"Kaya naman pala gustong gusto mo yung bata." Dagdag pa niya.
'Hindi ko din alam kung bakit siya at hindi na lang ako.'
"Hindi ko sinabing gusto ko siya." Tanggi niya.
'Yun ang masakit e, kahit hindi mo sabihin kitang kita ko. Samantalang sakin kailangan mo pang sabihin para lang malaman ko.'
Tumawa na lamang si Sam at umiling.
"Sus, tingnan ko na lang ha." Sabi niya pa at tumayo.
"Hindi nga!" Naiinis naman na sabi ni Aliah at itinuloy ang ginagawa niya.
"Anong plano mo this coming holidays?" Pagbabago ni Sam sa usapan.
"Maybe I will stay at my apartment this year. Ayaw kong umuwi." Sagot ni Aliah nang hindi inaalis ang tingin sa ginagawa niya.
"Hulaan ko. Dahil yan doon sa ----"
"Ayaw kong marinig." Pagpigil niya sa sasabihin ni Sam.
"Sige, uuwi ako sa family ko. Sama ka?" Tanong ni Sam.
"Pass muna ako ngayon." Ngumiti lamang si Sam sa sagot ng kaibigan niya.
"Sige, babalik muna ako sa room ko. 1 pm na, paalala lang 6 pm ang start nung
programme." Sabi ni Sam at umalis.

YOU ARE READING
Behind Closed Doors
FanfictionA mikhaiah fictional story wherein; "How about us?" "There was never an us." What happens if the person we love is not meant for us? And what to do if we are not chosen even if we have given everything?