I still can't believe how he manages to make me agree on his plan. It was a stupid plan from an idiot like him.
Sinong baliw na basta nalang manghihila ng babae para ipakilalang girlfriend niya in a party na alam naman niyang for his engagement thingy?
Hindi yata naisip na parang sinuong na rin niya ang sarili niya sa banta ng pag-aasawa sa taong hindi niya rin naman kilala, ano pang pinag-kaiba?
Meron naman pala, iisipin ng magulang niya na mahal niya yung babae at wala na siyang dahilan para tumanggi.
Great! What an idiot plan!
Inis na ibinato ko ang bola sa dingding at asar na ni-receive ito. Nasa training ako para sa fourth game namin bukas sa elimination round ng University clash. Wala pa kaming talo so far this conference kaya inaalagaan namin ang aming stats para makarating sa semis at finals upang makuha ang championship title.
It's been two weeks since that night but I can't still process everything, naiirita parin ako kapag naaalala ko ang pangyayaring iyon. Yun na rin ang huli naming pag-uusap ni Ashton at wala na akong narinig pa sa kanya simula nung bumalik kami sa table ng mga magulang namin. Nanahimik nalang kaming dalawa dun habang nagpaplano ang mga magulang namin para sa engagement kuno na hindi ko rin naintindihan dahil hindi naman na ako nakinig. Hindi ko rin nakausap si Mom which is good dahil nadadagdagan lang ang galit ko sa kanya. How can she be that cruel to her daughter? Tskk..
"May galit ka ba sa pader?" nawala lang ako sa pag-iisip nang may tumabi sa akin.
Napabuntong-hininga ako, agad kong itinigil ang ginagawa bago siya lingunin. Lara was grinning at me.
"Kanina pa kita tinatawag, hindi mo ko naririnig" saad niya bago tumingin sa pader na pinagpapractisan ko kanina. "Mukhang maganda kalabanin ang pader ahh, ang intense niyong dalawa" she joked, she was that bubbly.
"Sorry" tipid na saad ko pagkatapos uminom ng tubig sa tumbler ko bago tingnan rin ang pader. "You can try it, it was good. It will improve your receiving and digging skills as it enhances our reaction time." suhestiyon ko.
"Okay I'll try it later but tawag tayo ni coach, may announcement daw."
Tinanguan ko lang siya at agad na sumunod sa kanya. Napailing nalang ako at bahagyang napatawa nang bubbly siyang pumunta sa pwesto ng team mates namin, she was bouncing merrily.
"Since everyone is here, we can proceed to our practice game for today." saad ni coach na nakapagpasalubong ng kilay ko, I glance outside and it seems that it was too early. We are aware that after our practice game we can already go home and we usually get home late.
"May gagamit ba coach ng hall, bakit parang ang aga naman?" tanong ng captain namin na siya ring gumugulo sa isip ko. Napatango rin ang mga team mates namin.
"Actually, something came up and this facility became the only place to practice different sports, nasira yung isang hall for basketball players kaya pagkatapos natin ay sila ang gagamit." paliwanag ni coach na tinanguan namin. "So, let's start girls!" palakpak na saad nito na kaagad naming sinunod.
We were divided into two groups, hinati ni coach yung usual first six at bench players para fair at magabayan rin namin sila.
But don't get me wrong,magagaling ang bench players namin but hindi pa lang sila sanay sa crowd and having a huge fan base hindi pa nila masyadong gamay maglaro with so much pressure na siyang tinuturo namin sa kanila.
Mangha nga ako sa lalim ng bench namin, it was just good to know na if ever may mangyari sa mga initial players ni coach ay may mahuhugot siya na maaasahan. Nakalaro na rin naman sila kapag alam ni coach na kakayanin namin and it was a huge step for them to gain confidence.
YOU ARE READING
BEHIND THE CROWD
RomanceA famous silent volleyball player, Shanella Liana Nicholson, only wants freedom in any aspects but unfortunately she can't have that because of her mother. She was born in the crowd but never been truly happy with that. But what if she met a hottie...
