CHAPTER 11

5 0 0
                                        

As the examinations started, I felt like I forgot about myself for four hours straight. Ang sched kasi namin for midterms or even finals ay palaging half day na literal na kalahating araw na walang tigil. If you will emagine what I’ve been through on those four corners of a room.

Exhausted and drained was not enough to describe what I was feeling right now. Malaki na lang talaga ang pasasalamat ko dahil alam ko ang mga nasa test ang mahirap lang para sa akin ay iyong walang pause sa pagsasagot. Mas napagod pa ako sa time pressure kaysa sa test, ako kasi yung klase ng tao na inuubos talaga yung alloted time sa isang exam. Kahit maaga man ako matapos palaging sinusulit ko ang bawat segundo, it was either I-rereview ko ang mga sagot ko or paulit-ulit na umawain ang mga tanong or just simply double checking my answers. Kaya nang matapos ko ang kalahating araw na iyon ng test ay kaagad kong kinabuntong-hininga, nakakangalay yumuko upang magsagot.

I was on the middle of our hallway, balak ko nang umuwi dahil tapos na rin naman ang exams ko nang may biglang tumawag sa akin.

“Shanella!” nilingon ko si Nara nang bigla niya akong tinawag, napatigil ako upang hintayin sila ni Lara.

Napayuko at hingal na hingal sila nang marating ang pwesto ko, mukhang hinabol pa ako ng dalawa.

“Grabe sa bilis mong maglakad beh” hingal na saad ni Lara. 

Kinunotan ko naman silang dalawa

“Bakit niyo ba kasi ako hinahabol?”

“Ahhh….. ehhh ano….” hindi malaman ni Nara ang kanyang isasagot, marahil nahihiya parin hanggang ngayon.

Sa practice lang naman kami kasi nagkakasama or any event ng team, kapag casual lang or walang anything na kinalaman sa team tanging tanguan lang kami kapag nagkakasalubong. Dahil na rin siguro kakarating ko lang sa team at hindi pa nila ako ganun kakilala ay kaya ganun, kung sila man ay magkakasama na nung simula palang or first year palang sa eskwelahan kaya close na silang lahat. Sinabi ko na rin naman na hindi ako pala kaibigan, maging sa states ay ganun din ako, bilang lang sa kamay ang nakakasalamuha ko at lahat ng yun ay hindi ko ganun talaga ka close.

“Sasama kami sayo” si Lara na ang tumapos ng kanyang gustong sabihin, napangisi nalang silang dalawa sa akin at tiningnan ako ng inosente. Magkasagpi pa ang kamay na animo ay nagdadasal sa kung sino.

I sighed, “Saan?”

Napatayo naman sila ng tuwid habang maganda ang ngisi sa akin

“Mag-rereview, tapos na first day mo ng midterms diba?” malaki ang ngisi na tanong ni Nara.

“Bawal” seryoso kong saad bago sila tinalikuran.

“Bakit?!” Maktol naman ni Lara. Sumunod silang dalawa sa akin, pumantay sila at sumabay nang lakad.

“Sa bahay ako magrereview”

Kita ko ang pagtaas ng kilay nila, sabay pang tumingin sa isa’t isa.

BEHIND THE CROWDWhere stories live. Discover now