CHAPTER 3

4 0 0
                                        

I was still in a daze after that announcement. I can't believe what's happening right now. Tapos na ang pakana ng lalaki sa tabi ko, nasa table na kami kasama ang pamilya niya. I was right na sila nga ang nakaupo sa bakanteng upuan na iyon.



The party is still on going, sobrang daming tao at kaliwa't kanan na rin ang bumati sa kanya na tinatanguan lang naman niya. Kanina ko pa siyang gustong kausapin ngunit di ko lang alam paanong makakasingit sa usapan ng mga magulang namin na alam kong puro negosyo lang naman ang pinag-uusapan. Kating-kati pa naman akong sapakin ang lalaking ito dahil sa kabalbalan niyang pinagsasabi sa unahan kanina. Nakakairita kung paanong nagagawa niya pang mag-chill sa kabila ng mga nangyayari na parang hindi niya ako isinuong sa apoy.



"By the way, to our couple here" panimula ni Mrs. Bently nang humarap na ang mga ito sa amin. She was smiling widely habang ang asawa niya ay malalim akong inaalisa na para bang sinusuri ang buong kalooban ko.



Napamaang ako at mabilis na sinalubong ang mata ng katabi ko. I was seriously annoyed with his face, kung gusto niyang magsinungaling sa mga magulang niya wag niya akong isali sa kagag*han niya.



"Actually Ma'am, I am very sorry---" akmang sasabihin ko na ang totoo nang may kaagad na pumutol ng aking sasabihin.



"She's sorry because we didn't tell you guys about us for some valid reason." he stated na kaagad kong palihim na sinamaan ng tingin. Hilig niya bang sumingit palagi?



Tiningnan niya lang ako na para bang wala siyang pakialam sa kung anong reaksyon ko, we are in a staring contest at walang bibigay kung hindi pa namin narinig ang tawa ng kanyang ina.



"They look so inlove, parang tayo lang noon magtinginan" saad nito habang may malaking ngiti sa labi sa kanyang asawa. "It's okay iha, wala kang dapat ikabahala at sanay na kami sa anak namin na yan hilig niyang hindi magsabi." magaang ngiti na siyang kinabuntong hininga ko.



Paanong nagagawa niyang magsinungaling sa mommy niya na sobrang bait. Mamaya talaga ito sa akin, hindi siya makakauwi ng walang bangas pa-birthday ko manlang.



"By the way iha, kanina pa tayo dito hindi manlang namin alam ang pangalan mo" malaking ngiting tanong nito mayamaya pa.



"I'm Shanella Liana Nicholson po" tipid na sagot ko.



"Nice to meet you iha, sorry ang tanging kilala lang namin ay ang mom mo. I didn't know na ganito kaganda ang anak mo Luciana, hindi ko siya masyado nakikita sa mga events." ramdam ko ang pagbaling ni mom sa akin ng itanong sa kanya yun.



"O-ohh, hahaha--" hindi malaman kung paanong sasagot kaya napatawa siya, muntik na akong mapairap sa reaksyon niya. "She came from the States, kababalik lang niya dito and she was somewhat introvert. I was glad when I asked her to be here, she immediately said yes which I understand now." She smiles at me when I met her eyes, it was the fakest smile that I saw. I agreed? You forced me!!!

BEHIND THE CROWDWhere stories live. Discover now