CHAPTER 9

3 0 0
                                        

Tanghali na akong nagising kinabukasn which is okay dahil wala naman akong pasok. Every other day kasi kapag may game kami ay automatic na excuse na kami. Don’t question kung paano kaming makakahabol sa class because hindi naman kami nawawalan ng activities kapag excuse kami. Bagay na ginagawa namin online, actually ang dami ko pang pending plates na hindi ko pa nagagawa dahil sa mga trainings. Matagal pa naman ang due dahil considerate naman ang mga profs bagay na nagreflect kasi maganda pamamalakad ng President ng school.

Speaking of president…..

Hindi ko alam kung nakauwi na ang anak ng presidente na naki stay sa condo ko kagabi. Matapos kong magawa ang usual morning ritual ko ay tiningnan ko kung nasaan na ang lalaki.

Pagbukas ko pa lang ng pinto ng aking bedroom ay kaagad ko nang naamoy ang mabangong amoy na nagpakulo bigla ng tiyan ko. Nakakagutom ang amoy na nagmumula sa kusina ko.


As I arrive there, I saw him cooking. Nakatalikod siya sa akin na nakapagpataas ng kilay ko. Marunong pala siya sa kusina. Wala sa sariling napataas ang mga labi ko nang pagmasdan ko ang paligid.


Para sa lalaki, napakaayos pa rin ng kusina ko kahit nakaluto na siya ng iba. Nang bumaling siya sa akin ay hindi na siya nagulat, he seriously eyed me.



“I’m sorry for using your kitchen without permission, I don’t want to disturb your sleep” Saad niya habang sinasalin ang niluto niyang fried rice.




May ibang pagkain na rin na luto na, it’s  a usual breakfast. There’s egg, bacon, toast and my favorite longganisa. Kulang na nga lang ay kape na siyang ginagawa niya na ngayon.




“Akala ko nakaalis ka na, I thought you have an exam?” Wala sa sariling napatingin ako sa wall clock ko sa may living room na tanaw dito sa kinatatayuan ko. It’s already 11:30 am.




“Yeah, but it will start at 1 pm and I’ll prepare after we eat” sagot niya bago ipatong ang kape sa countertop.



Doon rin niya inihanda ang mga pagkain na niluto niya dahil wala naman akong dining table at may upuan naman dito sa tapat ng island counter. Nang naayos niya ang lahat ay kaagad siyang naupo sa isang bakanteng upuan pagkatapos ay tinapik niya ang upuan sa tabi niya upang ayain ako.



“Let’s eat” yaya niya na siyang sinunod ko rin dahil gutom na rin ako.




“You want the plain or fried rice?” tanong niya nang makaupo ako sa tabi niya. Nawindang ako roon ngunit nakasagot rin naman sa tanong niya.

 

 

“Ahhh, fried rice” sagot ko maya-maya nakaagad niyang tinalima, minamaya ko siya habang nilalagyan niya ang plato ko ng fried rice.



Anong nakain ng lalaking ito? Panis ba yung gatas kagabi?



Hindi ko matantya ang kulo ng lalaking ito, hindi ko alam kung hindi ko lang ba talaga siya ganun kakilala kaya nagugulat ako or sadyang may sayad siya. Napailing nalang ako sa naisip at kumuha na ng ulam habang hindi pa siya tapos lagyan ang kanyang plato ng kanin dahil baka pati iyon ilagay niya pa sa plato ko.




In fairness sa luto niya, hindi sunog. Halata naman sa buong pagkatao niya na siya yung type ng lalaki na maraming alam.




Tahimik lang kaming kumain at nang matapos or more on inantay niya akong matapos kasi kanina pa siyang tapos. Nailang na nga ako kaya binilisan ko nalang dahil hindi talaga siya tumayo hanggat hindi ako tapos.



BEHIND THE CROWDWhere stories live. Discover now