CHAPTER 7

4 0 0
                                        

I was in the middle of my way to our dug-out when I checked my phone. Pagkatapos kasi ng tune-up game ay kaagad kaming inagpahinga ni coach kaya umuwi muna ako sa condo para matulog bago gumising ng mas maaga sa game para makapag stretching pa ako at may oras pang mag drills na siyang sabi rin ni coach. Hindi ko na nahawakan ang phone ko pamula kanina.

Nang makuha ko ang phone ko sa bulsa ng aking training bag ay kaagad bumungad ang dalawang notification na siyang kinataas ng kilay ko. Ano na namang problema ng isang ito?

 

 

 

From: AA

Where are you?

Sent. 8:24 am

Kanina pa palang umaga ang text na iyon na hindi ko napansin marahil ay nasa laro ako kanina. Hindi ko alam kung ano na namang kailangan niya at nag-text ang lalaking ito.

From: AA

I get it, saw you on the hall. Reply to my message if you already read this.

Sent. 8:40 am

Natigilan ako sa paglalakad ng mabasa ko ang isa pa niyang text. Naroon siya kanina bagay na hindi usual dahil sa tagal ko na ring pumapasok at lumalaro para sa school ay ni hindi ko siya nakita sa mga games namin. Unang laro na napanood niya ay yung practice namin kahapon. Ramdam ko ring ayaw niya sa audience kaya unusual na magtagal siya, baka sumilip lang at curious sa ingay. Napatango ako sa naisip ko at kaagad na nagpatuloy.

Ibinaba ko ang training bag ko sa respected area ko nang makarating ako sa dug-out, naroon na rin ang iba kong teammates at coaching staff. May sari-sarili silang mundo kaya’t bati lang ang nagawa nila nang makita ako. Kanya-kanya silang gawa ng paraan para marelax ang sarili bago ang laban. Wala namang bago, this is the actual scenario kapag nasa dug-out kami.

Nang maiayos ko ang aking gamit ay kinuha ko ang headphones na dala ko at kaagad nilagay sa tenga. I make my self comfortable on my seat and connect it to my phone bago nagpatugtog. Naisipan ko ring replyan ang lalaki.

To: AA

I’m already at the sports center.

 

Wala pang isang segundo ay nag-reply siya bagay na hindi ko pa rin ganoon naiintindihan. Wala sa itsura niya ang mabilis mag-reply.

 

From: AA

On my way.

Maya’t-maya nalang talaga akong ginugulat ng lalaking ito.

To: AA

Wdym, papunta ka rito?

 

 

From: AA

Yeah.

 

 

To: AA

Why?

 

 

From: AA

I’m driving, later.

 

Kunot ang noo kong pinakatitigan ang phone ko. Seryoso ba ang lalaking ito, ano namang gagawin niya dito?

BEHIND THE CROWDWhere stories live. Discover now