Hindi ko alam na mangyayari pa pala ang araw na ito, ang magkaroon ng kasama sa iisang bubong na siyang ngayon ko lang mararanasan tapos sa isang taong hindi ko pa ganoon kalubos kakilala. Napapabuntong-hininga na lamang akong nilibot ang tingin sa bahay na sinasabi ni Ashton kamakailan lang, ito na ang araw na hindi ko lubos maunawaan. Alam kong nung una ay napakalaki ng pagtutol ko sa pangyayaring ito ngunit gaya ng lagi kong ginagawa kapag siya na ang nagdesisyon para sa akin ay hindi na rin bago sa akin ang tanggapin ang kanyang kagustuhan. Masama mang pakinggan ngunit iyon na lamang ang aking pamimilian.
Naihatid na ang ilang mga gamit ko sa condo at ang iba ay nanatili roon dahil hindi naman ako ganoong katagal dito dahil sa usapan namin ni Ashton ay tatlong buwan lamang ito at makukuha ko na ang kalayaan na gusto, hindi ko alam kung iyong pagiging malaya nga ba ang gusto ko mula sa kanya dahil kahit naman wala ako sa sitwasyong ito ay hindi ko ganap na maramdamang malaya ako.
Malaki ang bahay para sa dadalawang tao lang, wala pa naman akong nakitang mga kasambahay na siyang pinagpasalamat ko. Malapit rin ito sa school kaya hindi rin hassle pauwi at pagpasok. May isang Master’s bedroom na alam kong inihanda ng mga magulang namin para sa amin na siyang hindi ko magugustuhan kaya mas pinili kong gamitin ang isa pang kwarto sa taas. May sarili itong garden at swimming pool na natanaw ko mula sa glass windows and doors, typical na bahay ng mayayaman. Ang lubos na pampalubag-loob ko nalang ay ang sarili nitong mini gym at malawak na indoor court na katabi ng bahay. Tamang-tama ito kapag tinatamad akong dumayo pa kapag naisipan kong mag-gym o magtraining mag-isa. May sarili rin itong library na alam kong si Ashton ang nagpasadya, napansin kong mahilig itong magbasa.
Pumunta na ako sa aking silid matapos magmasid sa paligid at hindi naman ako matatakutin ngunit kung iba yata ang nandito ay matatakot na iyon dahil sa para lamang akong nag-iisa. Hindi ko alam kung nasaan ang lalaking kasama ko dito na hindi ko na rin gugustuhing alamin. Huling usap na namin ay noong isang araw pa at sa chat pa iyon nung gumagawa kami ng plate.
Nasa akma na akong pagbubukas ng pintuan ng kwartong gagamitin ko nang bumukas rin ang katapat na pinto kaya wala sa sariling napalingon ako doon. Tumambad sa akin ang mumukat-mukat na lalaki na halatang kakagising lang dahil sa gulo nitong buhok na kahit nasa ganoong itsura ay talagang pinagpala, naka-white sando ito at naka black sweat pants na hindi ko pinangarap na tingnan upang hindi magkasala. Hindi niya ako napansin kaya balak ko na sanang pumasok sa naiwan kong pintong nakabukas nang magsalita ito.
“You’re here already” Napabuntong hininga ako at walang nagawa kung hindi harapin siya, kapag hinahanap mo talaga palaging nasulpot na lamang.
“Obviously” tamad kong turan sa kanya ngunit tiningnan niya lamang ako sa natural na walang ekspresyon niyang mukha.
“I over slept, I must be the one to fetch you”
“You don’t have to, I have my car with me and mom send people to help me” sagot ko bago mapatingin sa likod niya dahil bukas ang pinto at nakita kong parang matagal na siya dito dahil maayos na ang kwarto niya, gray ang kulay ng pintura at kita mula rito ang study area niya na may maraming libro sa shelf. Napansin niya ito kaya binalingan niya rin ang tinitingnan ko.
“I moved two days early, it’s too hassle if I’ll came from my condo given that it was hell week” hindi pa man ako nagtatanong ay sumagot na siya, tinanguan ko lang ang itinuran niya dahil sa kawalan na ng masabi. Hindi ko kinakaya ang presensya niya, kahit halos magkasing-tangkad lang naman kami ay hindi ko maiwasang manliit.
“Are you done arranging your stuff?” tanong niya maya-maya pa nang hindi ako magsalita, siya naman ang nakatingin sa aking kwarto na nasa sahig pa ang mga karton ng mga gamit ko, maging ang aking maleta ay nakatengga pa roon. “Do you want help?” tanong niya muli, marahil nakita na ang sagot sa una niyang tanong.
YOU ARE READING
BEHIND THE CROWD
RomanceA famous silent volleyball player, Shanella Liana Nicholson, only wants freedom in any aspects but unfortunately she can't have that because of her mother. She was born in the crowd but never been truly happy with that. But what if she met a hottie...
