PHASE 2- Jace and Levyn

82 5 0
                                    

for you, thanks sa pag-follow:D

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Update #25

Jace

“haha, at best grabeh nakakatawa itsura ni Jarene ng makita niya si Papa galing trabaho”

“haha… sayang wala ako, eh anong sabi ni Tito?”

“akala nga daw niya hindi na siya papansinin eh, but guess what all the time sila na ang nagkwentuhan”

“Wow best na-establish na ni Jarene ang sarili niya sa Family mo huh… pwede ka ng mag-asawa… haha”

Hampas “duh, bata pa tayo Jaz hah, utak mo”

“haha naku, itali mo nay an habang maaga pa… malay mo sa isang iglap makuha pa ng iba”

“ano ka ba best… bitter much? haha”

“ui hindi ah… at subukan lang ni Jarene na bitawan ka… ay naku ewan ko na lang, hindi ko lang titirisin ang utak nun, gagawin ko pang isaw mismo”

“haha… hindi yun mangyayari nuh”

“sana lang best… o yan, nagring na naman ang phone mo, sigeh punta kana”

“heto naman… babalik din ako nuh, kung gusto mo sabit ka sa lunch namin”

“ayoko nuh… nandito naman si Jace, dito na lang ako best… sigeh chupi-chupi ka na”

Naramdaman kong naupo na si Janice sa tabi ko

“napano ka kahapon?” tanong ko

“huh? Anong napano ako kahapon?”

“tinatawagan kita pero cannot be reach, tumawag pa ako sa bahay niyo pero sinabi ni Manang na nagpapahinga ka na raw dahil basang basa kang umuwi… sinabi niya rin na umiyak ka raw”

“ang daldal naman ni manang. tsk”- bumulong pa rinig naman. “ay bakit ka nga pala napatawag?” tanong niya

“bakit ka umiiyak?”

“heto naman… bakit ka nga napatawag! Nauna ako” bulyaw niya…

“about sa project natin sa chem., oh bakit ka nga umiyak?”

“eh kasi… kasi…”

“dahil na naman sa kanya? Dahil kay Lester nuh?” –ulit ko. at nag-iba ang expression niya.. From lively to malungkot

“hinatid niya ako kahapon, ay ginabi na pala traffic din kasi… uhm… alam mo bang yun pa lang ang pinakamatinong pag-uusap namin? … haha… pero yun din ang pinakamasakit na pag-uusap namin as of now… (nanyuko siya) kaya, after niya akong maihatid, umiyak na lang ako… umiyak ng umiyak hanggang sa makita ako ni manang”

Tinitignan ko lang siya at ang nakikita ko sa kanya ngayon ay kapareho ng Janice na nakita ko nung Birthday ni Lester. Tumingin siya sakin “Jace paano bang iwala tong sakit?”

“accept Jaz”

“accept? Matagal ko nang inaccept, pero masakit pa rin” Ghaad she’s vulnerable

“Time”

“Time? Hindi ba pwedeng mawala ngayon na? kailangan pa ba akong mag-suffer ng sobra?”

Tsk, I don’t know what to do with this woman

“uhm… qwek-qwek? Isaw? Ice cream?”

Narinig kong tumawa na lang siya sabay hampas sa braso ko

“haha… grabeh, halimaw ka pero alam mo din palang mag-joke? Haha”

“Aray… insult na yan hah”

Messing Up with Mr. AnnoyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon