PHASE 2

83 5 2
                                    

thanks sa pag follow:DDD

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Update #31

Janice Pov

Mas nauna akong nagising kaysa kay Maxie… time check 6 am pa lang… hayst ewan ko ba pero ang sakit ng ulo ko, gusto kong itulog ulet pero ayaw na talaga. Kaya pagkatapos kong maghilamos at magpalit ng damit ay nagdiretso na ako sa kusina para magkape…

 “ikaw ang nagluluto ng pagkain natin?” nagtatakang bungad ko, eh kasi ang alam ko si Manang parati ang nagluluto para sa amin.

“naks ang aga huh… hindi nuh, ngayon lang ko kayo ipagluluto, kasi nga diba last na day na to ang napag-isip-isip ko na ako ang magluluto ngayon” nakangiting sagot ni Rachel.

“ahh” napansin kong nakapagluto na siya ng mga ulam… kasi nga diba prito lang naman. Umiinom na ako ng kape ng mapansin kong nagpreprepare siya ng mga iba’t ibang kasangkapan.

“magbe-bake ka?” nagtatakang tanong ko.

“haha… yup, maaga pa naman eh, and late naman silang nagigising” nakangiti pa rin siya… “and tuturuan kitang mag-bake ng cookies”

O___O

“seryoso Rai? Aasahan mo talaga ako sa part na yan?” pagtataka kong tanong… at diba nga wala akong alam pagdating sa kusina… as in kung sa load, zero balance ang peg ko!!!!

“haha… kaya nga tuturuan kita diba? halika na…” at wala na akong ibang ginawa kundi sundin siya… naalala ko tuloy nung time na pinangako ko sa sarili ko na mag-aaral na akong mag-bake ng cookies para hindi ko na maagawan ng cookies si Lester… yun pa nga ang dahilan ng pagtatalo namin eh… and now here I am, tuturuan ako ni Rachel.

“Rai”

“Hmmn?”

“saan ka natutong magluto?” curious kong tanong… kasi ang gifted-gifted niya… model na maganda pa, alam pang magluto… mabait at lahat lahat na…

“kay Mommy… chef siya and simula bata ako pinapanood ko na siyang magluto…”

“bakit hindi Culinary arts ang kinuha mo?”

“HRM kasi cover na nun lahat-lahat”

“ahhh” yun lang ang nasabi ko at tinulungan niya akong magmix ng mga kaetchosan… haha.. ganun pala yun ^^

“madalas ka bang magluluto ng cookies?”

“hmmn… Oo, kasi favorite yan ni Lester, since daw nung ibi-nake ko siya ng cookies hindi na siya nagtry pang kumain ng ibang klase… kaya everytime na may time ako ipinagbi-bake ko siya” habang sinasabi niya ang mga katagang yun, nakikita ko talaga na Masaya siya… kahit naman sinabi kong magmomove on na ako, hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng konting kirot ditto psa part ng puso ko. Ayoko sanang sabihin na ‘sana kaya ko rin yang ginagawa mo’ pero yun ang sinasabi ng isipan ko. kaya pala ganun nun makareact si Lester nung aksidente kong nakain ang cookies niya…

“swerte naman ni Lester, haha… baka inaabuso niya ang talent mo huh” patawa kong sagot…

“haha… pansin ko nga eh… haha… diba Jaz Favorite mo rin ang cookies? Anything na crispy pati nga daw junks foods pinapatulan mo”

“haha…oi hindi ah… pero minsan lang…haha”

“huh? Hmmn… Oo? … haha… sino namang nagsabi sayo, top secret ko kaya yun”

“haha… minsan ng nasabi sakin ni Lester… nag-aagawan pa nga daw kayo nun,”

Hmmn? Spell awkward…  anebenemen yen ^^

Messing Up with Mr. AnnoyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon