◑ Aldrich point of view ◐
Papasok na ako ng condo unit ko nung mapansin ko na may kakaiba sa pinto.
Hindi naman ganito nung umalis ako mukhang may nakapasok.
Agad kong kinasa ang baril na kinuha ko sa aking likuran. Lagi akong may dalang baril kahit hindi ako pulis. Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Madilim ang loob at ramdam ko na may tao na nakapasok. Pinindot ko ang switch ng ilaw at saka itinutok ang baril kung saan may naramdaman akong nakatayo.
"Who the hell are you?" sigaw na tanong ko sa taong nakatalikod sa akin. Kitang-kita ko siya ngayon dahil bukas na ang ilaw.
Naglakad ako papalapit sa kanya at mabilis na itinutok ang nguso ng baril sa batok niya. Hindi ko pa man ito nagagawang idikit sa batok niya ay mabilis niyang naagaw sa akin ang baril na hawak ko. Sandaling segundo lang ay nakalas na niya ang magazine at kinuha pa ang mga bala.
"Dad?" sambit ko matapos makilala ang taong nakatalikod kanina na ngayon ay nakaharap na sa akin.
Napakahusay talaga ni Dad, ilang segundo lang 'yon. Samantalang ako isang minuto bago ko magawa.
Hindi pa rin nagbago ang napakaseryosong mukha ni Dad. Na wala man lang bahid na takot sa ginawa kong pagtutok ng baril. Kitang-kita sa mukha ni Dad ang nakakatakot na expression.
"Don't call me Dad Aldrich, I'm your Boss." matigas at may awtoridad na sabi niya.
Ayaw niyang tinatawag ko siyang Dad dahil sa siya ang Boss ko sa mafia na pinapatakbo niya. Kailan man ay hindi ko naramdaman ang pagmamahal at pag-aalaga niya bilang Dad ko. Dahil anak lang naman niya ako sa labas. Nabuntis lang niya si Mommy na dating secretary niya. Ngunit ganoon pa man ay sinusunod ko lahat ng gusto niya at iniuutos niya sa akin. Siya pa rin ang Dad ko, kaya bilang anak ay susundin ko ang gusto niya. Ang madalas niyang ipagawa ay ang pagliligpit sa mga taong hadlang sa negosyo niya sa underground o black market. Dalawang buwan na rin nung huli ko siyang makausap. May pinapatay siya sa akin na business partner niyang nagtraydor sa kanya.
Mukhang may ipapaligpit sa akin si Dad dahil sinadya pa niya talaga ako rito sa condo ko. Hindi niya ito ginagawa maliban na lang kung bigatin ang taong pinapaligpit niya.
Naglakad na siya papunta sa sofa at komportableng naupo na nakade-kwatro pa. Inilapag niya sa sofa ang baril kong kinalas niya na parang kotse-kotsehan na tinanggalan ng parte.
"What I can do for you, Boss? Do you want a drink or ju----" agad na pinutol niya ang sasabihin ko sa isang kumpas lang ng kanyang kamay.
Si Dad ay may pambihirang kakayahan na sa isang kumpas ng kamay niya ay mapapahinto ka na sa mga sasabihin mo. Dahil oras na hindi ka huminto sa pagsasalita sabog na ang bungo mo. Masyadong maiksi lang ang pasensiya ni Dad kaya bawat kilos niya ay talagang sinusundan--sa takot na mabawian ng buhay. Hindi na niya kailangan magsalita dahil sapat na ang mga tingin niya. Para sabihin o iparating ang gusto niyang sabihin.
Tumayo ako ng diretso sa kanyang harapan habang hinihintay ang kanyang utos.
"Aldrich! I want you to kill the gangster!" isang utos na mabilis kong tinanguan. Dahil iyon lang ang trabahong pinapagawa niya sa akin. Ang pumatay ng mga taong gusto niyang ipatumba. Kahit na anak niya ako sa labas ay sa akin lang niya pinagkakatiwala ang pagpatay sa mga ito.
Sana naman 'yung ma-cha-challenge akong patayin ang gustong ipatumba sa akin ni Dad. Sawang-sawa na ako sa mga nagmamakaawa at lumuluhod para buhayin ko lang sila.
"Who's the gangster---"
Hindi ko pa natatapos ang itatanong ko kung sino ang gangster na dapat kong patayin. Nang may inilapag siya sa mesa na nasa tabi ko na isang case. Tumayo na siya sa sofa at walang salita na sinabi bago lumabas ng condo ko. Napapailing na lang ako sa nakita ko.
BINABASA MO ANG
She's The GANGSTER I Love [Published Book] #Wattys2016Winner
RomansaPUBLISHED BOOK under LIFEBOOKS - P185.00 Available at National Book Stores, BookSale, Pandayan, Expression, Lazada and Shopee ∞∞∞ "Isa lang ang kailangang gawin ni Aldrich, 'yun ay ang patayin si Stadtfeld---ang gangs...