☆ Chapter 03 ☆

15.8K 507 15
                                    

◑ Aldrich point of view ◐

Papasok na ako ng Stadtfeld Academy na may band-aid pa ang kaliwa kong panga. Nagkaroon ito ng sugat na natamo ko mula sa pagsuntok ng lalaki.

   Pangalawang araw ko pa lang dito ngayon pero oras na suntukin pa ako ng lalaking iyon. Papatayin ko na talaga siya. Bibilisan ko na lang ang paghahanap sa gangster na papatayin ko.

Habang naglalakad ako ay masama akong tiningnan ng mga kasabayan ko papasok. Napapatiim-bagang na lang ako sa ginagawang pagtingin nila sa akin. Nagulat ako nang biglang gumilid ang mga naglalakad kanina. Tumingin ako sa likuran ko kung nandiyan na ba 'yung tinatawag nilang Queen pero wala naman. Nagulat ako dahil may tumama sa braso ko at nabasag ito pagharap ko. Doon ko lang na-realize na pinagbabato na ako ng itlog ng mga nasa paligid ko. Naikuyom ko ang dalawang kamao ko habang nagpipigil ako ng galit. Nanatiling diretso sa daan ang tingin ko at hindi ako yumuko. Hindi ako nagpatinag kahit na naramdaman kong nagkasugat na ako sa kanang kilay matapos tamaan ng itlog.

   Kailangan kong huminahon dahil oras na gumawa ako ng maling hakbang. Hinding-hindi ko magagawa ang pinapatrabaho sa akin ni Dad.

"Tumigil na kayo!"  isang sigaw ang narinig ko mula sa isang megaphone.

Tumigil naman ang lahat sa pagbato. Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang panyo na kinuha ko sa bulsa ng pants ko. Nagdilim ang paningin ko dahil sa nakita kong dugo. Parang gusto kong pumatay ngayon dahil sa ginawa sa akin.

   Never kong naranasan na ma-bully at ganitong bully pa talaga ang pina-experience sa akin.

"Nagkasugat ka na."  sabi ng lalaking lumapit sa akin na may hawak na megaphone.

"Nerd."  pabulong na sabi ko nang tingnan ko siya.

Naka-nerd glasses ito at may brace na parang retainer na ewan ang taas at baba niyang ngipin. Mas matangkad ako sa kanya ng mga two inches.

"Sumama ka sa akin para makapagpalit ka ng uniform."  sabi niya na hinawakan pa ako sa kanang braso ko.

"Kaya ko na ang sarili ko."  sagot ko habang tinatanggal ang mga shells ng itlog na dumikit sa pants ko.

"Sumunod ka na lang sa akin."  sabi niya na naglakad na.

Hindi ko man gusto na sumunod sa kanya. Ayoko naman magmukhang kawawa at aping-api sa itsura ko. Sumunod na lang ako sa lalaking tumulong sa akin. Pinagtitinginan ako ng mga nadadaanan namin. Hindi ako nagpakita ng takot o hiya dahil sinalubong ko ang bawat tingin nila.

"Dito tayo."  sabi ng kasama ko na pumasok na ng elevator.

Dali-dali akong lumapit at pumasok sa loob ng elevator.

"Transferee ka diba?"  tanong niya sa akin na nasa kaliwang gilid ko lang.

"Oo."  tipid na sagot ko lang.

   Mukha ba akong matagal na rito sa school na ito? Psh!

Parang gusto kong suntukin 'yung lalaking nasa tabi ko pero may utang-na-loob pa rin ako. Dahil kung hindi niya inawat ang mga bumabato sa akin ng itlog. Dugo ng mga taong iyon ang dadanak sa ground. Lalo na't dala ko ang baril na pinagmamalaki ng mafia.

"Kung ganoon ikaw nga ang transferee student na tumingin sa mata ng President ng Student Council o 'yung tinatawag na Queen ng lahat."  sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Ano'ng masama sa pagtingin sa mata niya?"  tanong ko ng may pagtataka.

"Isang kasalanan ang tumingin sa mata niya lalo kung hindi ka malapit sa kanya."  sagot niya sa akin.

She's The GANGSTER I Love [Published Book] #Wattys2016WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon