☆ Chapter 05 ☆

14.4K 480 18
                                    

◑ Aldrich point of view ◐

Napapailing na lang ako habang nakaupo sa sofa.

"Dude ayaw mo talaga kahit isang shot lang?"  tanong sa'kin ni Charlie.

"Hindi umiinom si Master."  sabi naman ni Kurt.

"Ako na ang iinom nito."  agaw ni Benedict sa basong pinaglalagyan ng alak.

"Huwag nga kayo magulo mukhang malalim ang iniisip ni Master."  saway ni Limuel.

Dalawang linggo na rin ang nakakalipas. Bigo pa rin ako na mapatay si Euphy. Laging pumapalpak ang mga plano ko. Kung kailan nakahanda na ang lahat saka naman siya hindi papasok. Tapos kung kailan siya pumasok doon naman ang dami niyang kasama. Mas triple pa ang mga sumusunod sa kanya simula nung makita ko siya noong una akong pumasok sa Stadtfeld Academy.

Napasabunot na lang ako sa buhok ko sa sobrang frustration sa nangyayari. Gustong-gusto ko ng makabalik sa totoong school ko. Ayaw ko naman na sa school na 'yon ako magtatapos ng BSBA ko.

"May problema ba Master?"  nag-aalalang tanong sa'kin ng apat.

"'Hindi ko mapatay-patay 'yung gangster."  sabi ko na sobrang naiinis.

"Magaling bang makipaglaban?"  tanong ni Limuel.

"Chicks siguro?"  dagdag na sabi ni Charlie.

"Mukha ka talagang chicks Charlie bakit hindi ka na lang maging chicks?"  natatawang komento ni Benedict.

"Shut up!"  sigaw ko sa kanila dahil alam ko kung saan na papunta ang usapan.

   Tss! kung hindi ko sila sinaway siguradong magbubugbugan na naman sila.

"Babae ang gangster na papatayin ko,"  sabi ko na nakatingin sa apat na nasa wisyo pa naman kahit marami na ang nainom.  "Hindi lang 'yon, soon to be Queen of Britannian Empire."  frustrated na sabi ko.

"Soon to be Queen?"  gulat na tanong ni Charlie.

"Britannian Empire? Diba 'yon ang pinakamakapangyarihang bansa ngayon?"  saad ni Kurt.

Hindi ko inasahan na may alam si Kurt tungkol sa Britannian Empire.

"Ano'ng alam mo sa Britannian Empire, Kurt?"  tanong ko na nakatingin sa kanya. Hindi ko na pinansin ang tatlo.

"Makapangyarihan ang bansang iyon. Pero never pang pinakita sa media ang dalawang anak ng Hari at Reyna. Dahil simula nang may magtangka na pabagsakin ang bansang iyon. Tinakas ang dalawang anak ng Hari at Reyna. At hanggang ngayon ay hindi pa pinapakita sa media. Dahil na rin sa pag-iingat na may magtangka ulit sa buhay ng tagapagmana sa trono."  paliwanag ni Kurt.

"Wow, Kurt paano mo nalaman 'yon?"  amaze na tanong ni Limuel.

"Nabasa ko sa internet."  sagot ni Kurt na nagkamot pa ng kanyang batok.

   Paanong si Euphy ang soon to be Queen? Dapat ang panganay na lalaki ang uupo sa trono bakit siya pa? Hindi ba si Emerson?

"Gusto mo tulungan ka namin?"  saad ni Benedict.

"Mukhang chicks 'yan. Balato n'yo na sa akin."  pilyong sabi ni Charlie.

"Ano na ang plano mo Master?"  tanong ni Limuel.

Okay lang na pag-usapan namin ang tungkol doon dahil kaming lima lang ang nandito sa tambayan namin. Sound proof ang unit na ito kaya naman hindi maririnig ng mga nasa kabilang unit pati sa may pinto. Ang unit ay nakapangalan kay Benedict pero ito ang tambayan ng gang namin.

"Hindi mo siya mapapatay Master,"  saad ni Kurt na kumuha ng atensiyon ko ulit.

"What do you mean?"  tanong ko sa kanya.

She's The GANGSTER I Love [Published Book] #Wattys2016WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon