☆ Chapter 04 ☆

15.2K 439 17
                                    

◑ Aldrich point of view ◐

Habang naglalakad ako papunta sa next class ko ay ngiting-ngiti ako. Pagkauwi ko sa condo ko kahapon ay nagplano na ako kung paano ko papatayin ang gangster.

"Parang may nangyaring maganda sa 'yo?"  may biglang nagsalita mula sa kaliwa ko kaya tiningnan ko siya.

"Hindi naman."  pagtanggi ko. Tiningnan ko na lang ang dinadaanan ko.

Normal lang ang kinilos ko para hindi mapaghalataan na hindi ako ordinaryong tao. Dahil isa akong gangster, hindi lang basta gangster dahil assassin akong maituturing. Isang malaking achievement na mapatay si Stadtfeld dahil siya ang pinakamalakas at makapangyarihan na gangster ngayon.

"P.E. natin ngayon."  sabi niya kaya tumango na lang ako para hindi maging bastos sa kanya.

Nang makarating na kami ng locker ay binuksan ko na 'yong locker ko. Kinuha ko doon ang P.E. uniform ko. Medyo napangiti ako dahil wala ng mga basura na pinaglalagay doon tulad kahapon. May mga nagdikit pa ng mga bubble gum sa locker ko kahapon.

"Pinalinis ko kahapon 'yang locker mo after class. Tss! ang dami pa rin sira sa school na ito."  sabi niya matapos kong isarado ang locker ko.

   Marami nga kaya gusto kong itumba pero isang tao lang ang pakay ko rito.

"Salamat."  tipid na sagot ko.

"May problema ka ba Aldrich? Bored mo sumagot."  kumunot ang noo niya matapos sabihin iyon.

"Nag-iingat lang baka hindi lang itlog at kung ano-ano ang ihahagis o ibabato sa akin."  sabi ko na nilagpasan na siya at pumasok sa locker room para magbihis.

Pagkatapos kong magpalit ng damit ay nilagay ko sa locker ko ang hinubad kong uniform. Hindi ko na siya hinintay na matapos magbihis dahil lumabas na ako. Habang naglalakad ako sa may quadrangle papunta sa field maraming mata ang nakatingin sa akin.

   Hindi nakakamatay ang tingin kaya mapapagod lang kayo.

"Aldrich!"  tawag sa akin ng nasa likuran ko.

Kahit hindi ko na lingunin kung sino ang tumawag sa akin. Alam kong siya lang iyon. Binagalan ko na lang ang paglalakad para maabutan niya ako.

"Bakit Travis?"  tanong ko. Nasa kanan ko na siya.

"Iniiwasan mo ba ako?"  tanong niya pero hindi ko siya tiningnan.

"Transferee lang ako rito at Vice President ka ng SC. Baka isipin nilang dumidikit ako sa 'yo."  diretsong sabi ko at hindi man lang nagpreno.

"Hindi nila iisipin 'yan dahil ang atensiyon nila ay na kay Euphy lang."  natatawang sabi niya dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Euphy?"  ulit ko sa huling salita na sinabi niya.

Alam ko na ang gangster ang tinutukoy niya. Nagpanggap lang ako na 'di ko alam kung sino 'yung Euphy na sinasabi niya.

Magsasalita na sana siya nung biglang humangin ng malakas at may narinig kaming tunog mula sa itaas. Pagtingin ko ay nakita ko ang mga papel na bumabagsak.

"Mukhang nasagad ang pasensiya ni Euphy kahapon."  natatawa pang sabi ni Travis na may hawak na papel na galing sa itaas.

May helicopter na nasa itaas namin na siyang nagpapaulan ng mga papel ngayon. Kumuha ako ng isa sa mga papel na bumabagsak.

"Don't you dare to call me again Queen or else you'll receive my punishment. Just call me Euphy or President. Note. Ang hindi sumunod sa sinasabi ko mararanasan ang gagawin kong parusa sa limang lalaki sa field."  binasa ko ang nakasulat sa papel.

She's The GANGSTER I Love [Published Book] #Wattys2016WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon